Sosyalerong gimikero wanted na rin kay Digong
MULING nahalungkat ang involvement sa ilegal na droga ng isang lifestyle host at writer na may-ari rin ng isang kilalang party place dito sa Metro Manila.
Sinasabi kasi ng ilang mga adik, este drug dependents (pag mayaman) sa mga party drugs na baka sa personality na ito galing ang droga na pumatay ng ilang katao sa isang concert na naganap sa Pasay City noong nakaraang weekend.
Bagamat hinihintay pa ang forensic report kaugnay sa tunay na dahilan kung bakit sabay-sabay na dumanas ng massive heart attack ang mga biktima.
Sinabi ng ating Cricket na mahilig sa mga gimikan na matagal na raw na alam sa mundo ng mga party animals ang tunay na pagkatao ng sosyaling drug trafficker na ito.
Dahil iba ang kanyang crowd kaya level up din ang quality ng mga itinutulak niyang droga.
Pero wala siyang pinag-iba sa mga ordinaryong pushers dahil pare pareho silang salot sa lipunan.
Si incoming President Digong Duterte ay mayroon na umanong listahan at profile ng mga personalidad sa likod ng pagtutulak ng illegal drugs at posibleng kasama na rin ang bida sa ating kwento ngayong araw ayon sa aking Cricket.
Hindi lang mga celebrities kundi ang mga rich sa lipunan ang karaniwang buyer ng baklitang ito.
Sinabi rin ng ating Cricket na protektado ang personalidad na ito dahil malaking grupo rin naman ng kanyang kinabibilangang samahan.
Tunay na nakaka-alarma ang problema sa droga dahil pati ang ilang mga alagad ng batas ay sangkot sa kalokohang ito.
Kapag hindi nagawan ng paraan ay mas marami pang mga buhay ang masisira dahil sa kapabayaan ng ilan sa ating mga otoridad.
Ang personality na kilala sa sosyalan dahil sa party drugs ay Mr. T….as in Takatak.
Meron ba kayong gustong i-leak na wacky na mga kwento, o baka may komento o reaksyon at mga tanong? mag -text sa 09178052374, o kaya ay mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.