Male star sukdulan ang kayabangan kaya malas sa lovelife | Bandera

Male star sukdulan ang kayabangan kaya malas sa lovelife

Cristy Fermin - May 27, 2016 - 12:25 AM

BLIND ITEM MALE 0527

NAKAKAALIW na nakakainis ang maraming kuwento ng kayabangan ng isang male personality. Akala pa naman ng marami niyang nakakatrabaho ay humble siya pero kabaligtaran pala nu’n ang tunay niyang ugali.

Maraming kaibigan ang lalaking personalidad nu’n, pero kapansin-pansin na isa-isa na silang nagbaklasan, may kinalaman pala ‘yun sa kawalan niya ng respeto sa mga taong palagi niyang inaabala at kinakaladkad sa kung saan-saan.

Kuwento ng isang source, “Kung makapagsalita si ____ (pangalan ng male personality na nalilinya sa pagkokomedya), e, para bang too concerned siya sa mga kasama niya. Parang inaalagaan niyang mabuti ang mga kaibigan niya.

“Mahilig kasi siya sa malaking entourage, kailangang marami siyang bitbit kahit saan siya magpunta, ganu’n ang ugali ng male personality na ‘yun!

“Pero nakakaawa sila, pasado alas tres na, hindi pa sila nagla-lunch, hindi sila pinakakain ng friend nila, ganu’n siya kawalang-malasakit sa mga kaibigan niya.

“Ang yabang-yabang niyang magkuwento, kesyo napakarami niyang sasakyang binibili na hindi niya naman ginagamit, pero lafang lang ng mga kasama niya, e, tinitipid pa niya?” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Palaging pa-star ang male personality na hindi mo alam kung ano talaga ang gusto. Hotdog ba o hamburger? Puwede kasi siya sa kahit ano.

“Malaki kasi ang insecurity niya sa mga kasamahan niyang komedyante. Kung anu-ano ngang pintas ang sinasabi niya tungkol sa mga taong ‘yun, ganu’n siya ka-insecure!

“Marami siyang drama, puro mga kuwentong ewan lang ang mga pinagsasasabi niya, nakakalorky ang taong ‘yun na kung makaasta, e, akala mo kaya niyang ibigay ang langit at lupa sa mahal niya.

“Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang male personality kuno na itey, palagi siyang naiinlab pero palagi ring nasasaktan,” napapailing pang kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending