INILUKLOK bilang bagong pangulo ng Asian Chess Confederation (ACC) ang kasalukuyang pinuno ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na si Prospero Pichay Jr.
Ito ang inihayag ni NCFP Executive Director at Grandmaster Jayson Gonzales.
“Nagbitiw sa posisyon ang presidente (ng ACC) na si Utut Adianto ng Indonesia for reasons that he is too occupied sa kanyang federation, sa business at pati sa family. So the Board decided to elect a new president at si Congressman Pichay ang unanimous na ibinoto,” sabi ni Gonzales, na uupo naman bilang isa sa apat na bise-presidente ni Pichay.
Magsisilbi si Pichay bilang pangulo ng ACC Management Board hanggang 2018. Makakasama naman ni Gonzales bilang vice-president sina Dang Tat Thang ng Vietnam, Sahapol Nakvanich ng Thailand at Win Aung ng Myanmar habang itinakda bilang secretary-general si Panupand Vijjuprabha ng Thailand at deputy secretary-general si Romuldo “Red” Dumuk ng Pilipinas.
Ang treasurer-general ay si Nguyen Phuoc Trung ng Vietnam habang honorary auditor naman si Mrs. May Hui ng Singapore.Pakay ni Pichay na makapagsagawa ng mas maraming torneyo sa chess sa kanyang panunungkulan at nais din niyang dalhin sa Pilipinas ang prestihiyosong Chess Olympiad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.