Opisyal na pagbibilang ng boto ng prexy at VP nagsimula na | Bandera

Opisyal na pagbibilang ng boto ng prexy at VP nagsimula na

Leifbilly Begas - May 25, 2016 - 05:27 PM

duterte523
Nagsimula na kahapon ang opisyal na pagbibilang ng boto para sa pagkapangulo at bise presidente.
Itinakda ang sesyon ng National Board of Canvassers alas-2 ng hapon subalit alas-3 na ng magsimula ang sesyon.
Humarap sa canvassing ang mga abugado ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente.
Pinayagang magsalita ang abugado ng VP candidate na si Sen. Bongbong Marcos na si Didagen Dilangalen. Hiniling nito na hiwalay na i-canvass ang mga boto sa pagkapangulo at bise presidente.
Sinabi ni Dilangalen na binabati ni Marcos si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panalo nito sa pagkapangulo. Upang hindi ma-delay ang kanyang proklamasyon iginiit ni Dilangalen na ihiwalay ang canvassing ng mga boto.
Ayon sa NBOC hindi pa napapanahon ang hiling ni Dilangalen at gawin ito kapag binabasa na ang mga COC na kanilang kinukuwestyon.
Sa isinagawang unofficial count batay sa resulta na natanggap ng transparency server, dikit ang laban nina Marcos at Camarines Sur Rep. Leni Robredo. Dumating din ang abugado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal.
Unang binuksan ang certificate of canvass mula sa Davao del Sur na siyang unang dumating sa Senado.
Inaasahan na matatapos ang canvassing sa Hunyo 6 at sa Hunyo 7 ay maipoproklama na ang nanalo. Sa Hunyo 8 itinakda ang huling plenary session ng 16th Congress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending