Balimbingan na sa ngalan ng Pork Barrel | Bandera

Balimbingan na sa ngalan ng Pork Barrel

Jake Maderazo - May 23, 2016 - 03:00 AM

HINDI pa man nakauupo ang administrasyong Duterte ay nagliliparan na ng partido. Tulad nitong si Albay Gov. at mauupong kongresista na si Joey Salceda – na galing ng Lakas ni Gloria, lumipat sa LP, at pagkatapos ay tumalon sa kampo nang natalong si Senador Grace Poe, at ngayon naman ay kumampi na agad kay incoming President Rodrigo Duterte.
Nariyan din si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, dating spokesman ni Gloria, lumipat sa LP at nilampaso ang Duterte camp sa kanyang lala-wigan nitong eleksiyon. Pero ang balita ngayon, kasama na siya sa grupo ni Negros Occ Rep. Albee Benitez na sumanib na sa liderato ni incoming Speaker Pantaleon Alvarez.
Talaga kayang natural na lang ang mga “tres kantos” na pagmumukha ang meron sa ating mga pulitiko? Katatalo pa lang sa halalan, andon at nakipila agad sa Davao para makabalimbing na.
Wala talagang prinsipyo ang marami sa kanila, kesyo “critical collaboration” lang daw ito o i-yong tutulong sila sa le-gislative agenda ng administrasyon at mananatili pa rin sila sa partido. Pero sa totoo lang puro mga PPP (posisyon, project, pera) ang hanap nitong mga pulitikong ito.
Ginagamit pang dahilan ay kaya kailangan daw nilang dumikit sa ruling party para makakuha ng mga benepisyo ang kanilang mga constituents. Kaya naman, nalulungkot ako nang husto kung saan talaga papunta ang ating lehislatura kung ganitong mga mukhang pera ang naihalal?
Sa Senado, ganoon din, pork barrel at committee chairmanships ang tinatarget. Nakita natin ang nangyari sa DAP-PDAF at ang pinamigay na tig-P50-P250M na pork barrel sa mga senador matanggal lang ang namayapang si Chief Justice Renato Corona. Isipin niyo, tig-P200M bawat taon ang pork barrel allowance ng bawat senador, kung anim na taon ang term nila, tumataginting na P1.2 bil-yon ang meron sila. Swerte kung kaalyado pa ng administrasyon ay pwedeng umabot sa P2.4 bilyon ang makuha ng kada senador.
Nasa P70 milyon naman ang pork barrel ng mga kongresista at kung ang term ay tatlong taon, meron silang tig P210 milyon. Dahil karamihan sa kanila ay umabot ng three terms, bawat kongresista at tumatabo ng P630 milyong pork barrel sa siyam na taon (talong termino).
Alam niyo naman ang lagayan ngayon, 30 percent commission sa PDAF at maging sa infrastructure projects. Ano po ang kwenta? Kung senador na six year termer, sa P2.4 bilyon niya ay may komis-yon na P720 milyon. Kung kongresista naman na merong P630 milyon, ang komisyon ay P189 milyon sa siyam na taon. Talagang magandang negosyo na ngayon ang pulitika. Kung merong 24 na senador na kumukubra ng P4.8 bilyon bawat taon at mga 289 congressman na merong P20.23 bilyon, ang pinapasan nating taumbayan ay P25 bilyon kada taon na galing sa mga buwis na dugo’t pawis natin ang katumbas.
Kung minsan iniisip ko na ninanakaw ng Kongreso ang income taxes ko. Parang malaking “criminal syndicate” ang Kongreso sa nakaraang administrasyon nina PGMA at lalong lalo na sa Daang Matuwid. Second priority na lang ba ang trabaho nilang lumikha ng batas para lutasin ang mga problema ng bansa?
Hindi ba’t nalagay sa freezer ang “FOI bill,” “Anti-political dynasty law,” BBL at marami pang iba? Kung ako ang tatanungin, tutal galit si incoming President Rody Duterte sa mga criminal syndicates, sana unahin niya ang Kongreso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending