Do-or-die PSL Challenge Cup beach volley quarterfinals ngayon | Bandera

Do-or-die PSL Challenge Cup beach volley quarterfinals ngayon

Angelito Oredo - May 22, 2016 - 01:00 AM

MAGBABALIK sa buhangin ang Foton Toplander na matapos magtala ng impresibong panalo ay haharapin ngayon ang pinakaultimong hamon sa pagsagupa sa delikadong RC Cola-Army B sa matira-matibay na quarterfinals ng 2016 Philippine Super Liga (PSL) Challenge Cup beach volleyball competition sa Sands SM By the Bay sa Mall of Asia.

Tampok ang pares nina Cherry Rondina at Patty Orendain, inaasahang ibibigay lahat ng Foton ang laro kontra sa pares ng Lady Troopers nina Genie Sabas at Jeannie Delos Reyes sa tampok na laban sa alas-6:30 ng gabi upang umusad sa semifinals ng torneo na suportado ng Asics, Mikasa, Senoh, Petron at Foton.

Ito rin ang asam ng F2 Logistics nina Aby Maraño at Danika Gendrauli sa sasagupain ang pareha ng Petron XCS nina Sheila Pineda at Aiza Pontillas sa alas-3:30 ng hapon.

Haharapin din ng RC Cola-Army A nina Jovelyn Gonzaga at Nene Bautista ang Petron Sprint 4T nina Frances Molina at Maica Morada sa alas-4:30 ng hapon bago ang salpukan ng Standard Insurance-Navy B nina Pau Soriano at Norie Jane Diaz kontra FEU-Petron nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sa alas-5:30 ng hapon.

Inaasahan din na aagaw atensiyon ang salpukan sa men’s division kung saan sasagupa ang kambal na sina Daniel at Tim Young ng SM By the Bay kontra TVM nina Kris Guzman at Christian Arbasto sa alas-7:30 ng gabi bago ang salpukan ng Wayuk at IEM sa huling laro dakong alas-8:30 ng gabi.

Bago ang salpukan sa quarterfinals ay magsasagupa muna ang UE-Manila at Philippine Navy-B sa alas-8 ng umaga na susundan ng SM By the Bay at FEU-B sa 8:45 a.m.; Cignal Team Awesome at TVM sa 9:30 a.m.; FEU-A at IEM sa 10:15 a.m.; Philippine Navy-A at SM By the Bay sa 11 a.m.; ang Wayuk at UE-Manila sa  11:45 a.m.; Philippine Navy-B at FEU-A sa alas-12:15 ng tanghali at ang Philippine Navy-A at TVM sa ala-1 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending