Nangangarap yumaman | Bandera

Nangangarap yumaman

Joseph Greenfield - May 21, 2016 - 02:22 PM

Sulat mula kay Maricor ng Molugan, El  Salvador,  Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Isinilang po ako noong October 23, 1972 at February 14, 1966 naman ang mister ko. Naisipan ko ng sumangguni sa inyo upang itanong kung may pag-asa po ba kaming yumaman ng mister ko? Sa ngayon po ay may negosyo kaming grocery sa bayan. Nais ko rin pong malaman kung mapapalaki ba namin ito at ito na kaya ang maging daan upag kami ay yumaman? Sabi nang mister ko basta daw magsikap lang kami at magtipid yayaman din daw kami. Pero naiinip na ako kaya balak ko magnegosyo din ng pautangan, yong katabi kasi naming puwesto ay nag-pautang na may malaki ang tubo, sa ngayon ay may mga sasakyan na sila at magarang bahay. Hindi po ba masamang magpa-five six para mas mabilis kaming yumaman?
Umaasa,
Maricor ng Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ang ang straight o tuwid na Head Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad ang nagsasabing kahit anong negosyo ang gawin mo sa buhay mo, tiyak na yayaman kayong mag-asawa, basta ang mas mahalaga sa ngayon wag kang masyadong magmadali at siyempre pa kailangan ding lagi kayong magtulungan at laging magkasama ni mister.
Cartomancy:
Tuloy-tuloy na pagyaman at katuparan ng mga pangarap ang nais ihayag ng barahang Nine of Hearts, Queen of Diamonds at Six of Diamonds. Ibig sabihin, tulad ng nasabi na, basta’t nagtutulungan at nagmamahalan kayong mag-asawa, tuloy-tuloy na lalago ang inyong kabuhayan hanggang sa kusa nyo na ring makamit ang pangarap nyo na yumaman.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending