Bagong show ni Kris sa ABS-CBN inaayos na
SINISIGURADO ni Kris Aquino na maski wala siya sa bansa ay nakapagbibigay siya ng updates sa kanyang mga tagahanga. Lagi pa ring nagpo-post sa social media accounts niya ang TV host ng mga kaganapan sa buhay nilang mag-iina.
Bago umalis ng Pilipinas si Kris ay nag-post muna siya ng natapos niyang TV commercial ng produktong ineendorso niya. At ang latest ay ipinost niya ang magagandang view mula sa tinutuluyan nilang mag-iina sa Hawaii, “No need for a filter. Having my coffee on our balcony while reading.”
Kasunod ay ang napakagandang ulap na ang caption na inilagay niya ay hango sa awiting “Both Sides Now”, “I’ve looked at clouds from both sides now. From up and down and still somehow. It’s cloud illusions I recall. I really don’t know clouds at all.”
Ilan lang ito sa mga posts ng Queen of All Media sa ilang araw na pananatili nila sa Hawaii kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby at ilang pinagkakatiwalaang staff. Kaya kaabang-abang pa ang mga susunod na update ni Kris sa loob ng dalawang buwang pananatili nila sa nasabing bansa.
Samantala, dinig namin habang wala sa bansa ang TV host ay pinag-iisipan na rin kung ano ang magiging concept ng bagong programang ibibigay sa kanya ng ABS-CBN. Ibig sabihin, talagang umaasa pa rin ang Kapamilya network na babalik muli si Kris sa pagtatrabaho.
Nasulat na namin dito ilang linggo na ang nakararaan na handa na sana ang bagong kontrata ni Kris sa ABS-CBN pero hindi ito pinirmahan ng TV host dahil nga kailangan muna niyang magpagaling sa kanyang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.