Wag kalimutan ang kontribusyon | Bandera

Wag kalimutan ang kontribusyon

Liza Soriano - May 20, 2016 - 03:00 AM

Bagong employer pa lamang po ako dahil wala pang isang buwan nang magbukas ako ng company. May lima lamang akong empleyado dahil consultancy ang aking business. Matagal ko nang naririnig ang Employees Compensation Commission pero nalilito ako dito. Dapat po bang iparehistro sa ECC ang aming kumpanya at gusto ko rin malaman kung ano ang mga benipisyo na pwedeng makuha sa ECC sa tulad kong employer at higit sa lahat sa mga empleyado ko. Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.

Abegail Sevilla
1167 Wagas St.,
Tondo, Manila

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Sevilla, ang ating mga employer ay may importanteng obligasyon once na nag- hire ng empleyado. Una, kailangan iparehistro ang mga empleyado sa SSS at kada buwan, kasabay ng obligasyon na makapag- remit ng EC contributions.
Kahit ilan lamang ang empleyado ay obligadong magbayad ng kontribus-yon sa mga nabanggit na ahensiya.

Ang mga employer ay dapat mag-ambag sa ngalan ng kanyang mga manggagawa sa State Insurance Fund (SIF), kung saan ang mga bayad para sa benipisyo ay kinukuha.

Ang mga employer ay kinakailangang magparehistro sa GSIS o SSS sa pamamagitan ng pag-
accomplish ng prescribed form.

Wala namang kabawasan sa mga empleyado ang contribution kung hindi mga employer lamang.
Ang Employees Compensation Program (ECP)ay isang programa ng pamahalaan na dinisenyo ng isang compensation package sa mga manggagawa o dependents ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa pampubliko o pribadong sektor sakaling may kaganapang pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan o kamatayan.

Ang mga manggagawa ay maaaring mag claim lamang kung ito ay konektado sa trabaho.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.

Atty. Jonathan VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream
.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending