URIAN binigyan ng 2 nominasyon sa pagka-best actor si John Lloyd
DALAWANG best actor nomination ang ibinigay ng Gawad URIAN o ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino para sa taong ito kay John Lloyd Cruz. Nominado si Lloydie para sa mga pelikulang “Honor Thy Father” ng Reality Entertainment at “A Second Chance” ng Star Cinema.
Ayon sa mga opisyal ng Gawad Urian, nagdesisyon silang bigyan ng double nomination si John Lloyd dahil parehong intense at makatotohanan ang pagganap ng aktor sa dalawang pelikula. Bukod pa sa magkaiba rin ang tema nito.
Ang mga makakalaban ni Lloydie sa pagka-best actor ay sina John Arcilla (Heneral Luna), Ricky Davao (Dayang Asu), Jericho Rosales (Walang Forever), Dennis Trillo (Felix Manalo), Sid Lucero (Apocalypse Child), Junjun Quintana (Water Lemon), Luis Alandy at Anthony Falcon (Anino Sa Likod Ng Buwan), Francisco Guinto (ARI: My Life With A King) at Lou Veloso (Da Dog Show).
Para naman sa Best Actress category, maglalaban-laban sina Nora Aunor (Taklub), Anika Dolonius (Apocalypse Child), LJ Reyes (Anino Sa Likod Ng Buwan), Angeli Bayani (Iisa), Alessandra de Rossi (Bambanti), Ces Quesada (Imbisibol), Jennylyn Mercado (Walang Forever), at Mercedes Cabral (Da Dog Show).
Narito naman ang magtutuos para sa mga kategoryang Best Picture at Best Director: “Heneral Luna” ni Jerrold Tarog (Artikulo Uno), “Taklub” ni Brillante Mendoza (Centerstage Productions), “Anino Sa Likod Ng Buwan” by Jun Lana ( Octobertrain/Ideal First), “Honor Thy Father” ni Erik Matti (Reality Entertainment), “Imbisibol” directed by Lawrence Fajardo (Sinag Maynila/Solar), “ARI: My Life With A King” ni Carlo Enciso Catu (Holy Angel University Center for Kapampangan Studies), “Bambanti” ni Zig Dulay (Solar/Centerstage), “Da Dog Show” ni Ralston Jover (Sans Sinema/Germany & Queen B).
Lalaban din para sa Best Director sina Mario Cornejo (Apocalypse Child) at Kidlat Tahimik (Balikbayan #1).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.