Kris, 2 anak nagpapakaligaya ngayon sa Hawaii | Bandera

Kris, 2 anak nagpapakaligaya ngayon sa Hawaii

Ervin Santiago - May 17, 2016 - 02:00 AM

kris aquino bimby at josh

HINDI pa rin natiis ni Kris Aquino ang kanyang mga tagasuporta na nagre-request na balitaan sila sa mga latest na kaganapan sa buhay niya at mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nasa Hawaii ngayon ang mag-iina para muling magbakasyon matapos ngang tumulong ang TV host sa kampanya nina Mar Roxas at Leni Robredo noong nakaraang eleksiyon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng ilang litrato nilang mag-iina na kuha sa world-famous Waikiki Beach. Bukod pa rito, may ipinost din si Kris sa IG na ilang photos na kuha sa Benihana restaurant habang sila’y nagdi-dinner.

Bago umalis ng Pilipinas, sinabi ni Kris na magpapahinga muna siya sa social media para makapag-concentrate sa bakasyon nila ng mga anak. Pero mukhang hindi na naman niya ito napanindigan dahil na rin sa mga fans niya na nagtatanong ng updates sa kanyang buhay.

Pero siyempre, kung may natutuwa at naaaliw sa mga IG posts ni Kris, meron din namang nagmaasim at nang-okray sa TV host.

Ayon sa isang basher, ang pagpo-post ni Kris ng mga pictures nila ng mga anak sa Hawaii ay isang patunay na isang malaking gimik lang ang lumabas na balita noon na isa siya sa mga tinatarget ng Abu Sayyaf para kidnapin kapalit ng malaking halaga ng pera. Kung totoo raw kasi na may banta sa buhay niya, titigil na siyang mag-post ng mga litrato ng kanyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending