Toni ipinagluluto ng manok si Paul para mas masarap ang pagsisiping | Bandera

Toni ipinagluluto ng manok si Paul para mas masarap ang pagsisiping

Ambet Nabus - May 16, 2016 - 02:00 AM

toni at paul

AT dahil sabay na nga silang nabuntis ng kaibigang si Toni Gonzaga-Soriano, puwede na naming isulat this time ang isang parte ng naging chikahan namin noon. Ha-hahahaha!

Minsan naming naikuwento dito sa BANDERA na noong big night ng Pinoy Big Brother sa Bicol ay nakahuntahan namin ang dalawa sa isang late midnight snack.

Masaya, kuwela at baklang-bakla ang peg ng mga bagong misis sa pagkukuwento ng kanilang buhay may-asawa.

Panay ang kantiyaw namin noon kay Toni na i-enjoy ang halos araw-araw umanong pangu-ngulit sa kanya ni direk Paul Soriano kapag feel nitong maglambing o kahit siya kapag nami-miss ang mga yakap at halik nito.

Tawang-tawa pa nga kami noon sa tsika ni Mariel na siya itong mas nag-e-ensure na naka-lock ang lahat ng pinto sa kuwarto nila dahil mahilig ngang maglakad ng nakahubad ang asawa na sinagot noon ni Toni na may ganu’ng moment din ang asawa niya. Ha-hahaha!

Siyempre na-shy lang kaming i-chika dito noon yun pero dahil hayan na nga at mga buntis na sila, eh di gow gow na, di ba, kapatid na Ervin? Ha-hahahaha!

Pero on top of that, nagkakaisa sina Toni at Mariel na ang putahe nilang “manok” ang isa sa pinakanaka-attract sa mga esposo nila.

Nagpalitan pa sila ng recipe kung paano itong lulutuin dahil tiyak daw na “loving-loving” ang kasunod kapag nabubusog nila ang kanilang mga mister. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending