True ba, Alden biktima rin ng mga bully noong nasa college? | Bandera

True ba, Alden biktima rin ng mga bully noong nasa college?

Ervin Santiago - May 16, 2016 - 02:00 AM

alden richards

KALAT na kalat na ang chika na binu-bully daw ng grupo ng Kapuso hunk na si Juancho Trivino si Pambansang Bae Alden Richards noong college days nila.

Magkaklase sa La Salle-Canlubang, Laguna sina Juancho at Alden at ang chika magkalaban daw ang grupo ng dalawa noon at madalas nga ay pinagtutulungan daw ng barkada nina Juancho ang tropa ni Alden.

At ngayon magkasama na sila sa bakuran ng GMA muling nabuhay ang intriga sa pagitan ng dalawang Kapuso actors, may tsismis na hindi pa rin daw sila in good terms – dedmahan daw ang mga ito kapag nagkikita sa bakuran ng Kapuso Network.

Kaya sa presscon ng launching serye ni Juancho, ang Magkaibang Mundo kasama si Louise delos Reyes, isa nga ito sa naitanong sa aktor.

Depensa ni Juancho, “Wala naman, magkaiba lang talaga yung group of friends namin. Kasi ako noong college ako, kasama ko ang mga varsity players kasi varsity ako nu’ng college.

“Siya naman kasama rin niya ang barkada niya. Hindi rin talaga kami masyadong naging sobrang close. Pero magkakilala kami kasi mag-classmates kami, same course. Wala batian lang kami pero walang bully-bully,” paliwanag ng aktor.
Hirit pa nito sa isyu ng bullying, “Siguro hindi lang talaga magkasundo yung barkada namin that time. Ang barkada ko kasi magugulo, mababait lang yung barkada niya, palaaral.”

Pero totoo ba na hindi sila nagpapansinan ni Alden kapag nagkakasalubong sila sa GMA?” Nagbabatian kami. Hindi ko alam kung saan ga-ling yung issue na hindi kami nagbabatian.

“Kapag nagkikita kami, nagka-catch up kami, nagkukuwentuhan kami about college kasi may mga common friends kami na, ‘Uy kamusta na si Ganito?’ Ako kasi late ako umalis ng school, e. Siya mas maaga.

“Tapos kinukuwento ko sa kanya about yung mga classmates namin before. Alam n’yo nirerespeto si Alden sa school namin kasi unang-una, pagpasok pa lang namin ng college, isa na siya sa pina-kaguwapo talaga,” esplika pa ni Juancho na siguradong pagpi-pistahan ng mga beki kapag nagsimula na ang Magkaibang Mundo sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Gaganap na duwedeng may abs ang binata sa nasabing romance fantasy series ng GMA at lagi nga raw siyang topless sa kanyang mga eksena. Mahilig nga raw mag-post si Juancho sa Viber ng grupo nila sa Magkaibang Mundo ng hubad niyang picture.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ni Louise, napapalunok na lang daw siya kapag nakikita niya ang mga photos ni Juancho sa Viber group nila. Bilib nga raw siya sa binata dahil talagang kinarir nito ang pagpapaganda ng katawan para sa kanilang serye na magsisimula na sa susunod na Lunes.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending