Male singer unti-unti na sanang makabangon matapos malulong sa bisyo
MABUTI naman at nauntog na sa katotohanan ang isang male singer na napakaraming sinasayang na panahon. Magaling ang male performer, mahusay siyang humawak ng audience, ang problema lang talaga ay ang kanyang kinahihiligang bisyo na harinawang nalampasan na nga niya.
Maraming kinabog nu’n ang male singer, kakaiba kasi ang kanyang atake, siya lang ang may ganu’ng istilo sa kanyang mga kasabayan ngayon.
Pero maraming natatakot na kunin siya sa mga shows, magaling siya sa dilang magaling, pero ang tanong—darating ba naman siya sa show?
“’Yun ang problema nu’n, maraming nagdadalawang-isip na kunin siya dahil nga baka hindi siya dumating sa venue. Pero impernes, dumarating naman siya, late nga lang siya kadalasan!
“Naku, sana naman, e, magbago na siya, karirin na niya ang work niya, dahil napakaraming magagaling na performers ngayon! Mga becki pa ang kalaban niya, sa totoo lang, na ang huhusay ring mag-perform,” napapailing na komento ng a-ming source.
Maraming humihiling na sana’y magbago na ang male performer, huwag namang ikalalaki ng ulo niya, pero ibang-iba kasi ang kanyang atake.
“Sana nga, e, mauntog na siya habang maaga pa, huwag niyang sayangin ang talent niya, maraming naghahanap ng suwerte pero walang nakikita. E, siya, nandiyan na ang lahat, hawak na niya, huwag na sana niyang paalpasin pa ‘yun dahil nakapanghihinayang!” sabi naman ng isa pang impormante.
“Bradly Guevarra, magaling talaga siya, walang charing ‘yun! Umiwas na dapat siya sa pinaggagagawa niya para ma-kabawi na siya!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.