Pia Wurtzbach binalaan ang madlang pipol sa mga ‘pekeng Miss Universe’
BINALAAN ni reigning Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang followers sa social media na mag-ingat sa mga pekeng Facebook at Twitter accounts na may pangalan at pictures niya.
Kumalat kasi ang isang Facebook post mula sa pekeng “Pia Wurtzbach” kung saan pi-nuri-puri ang dating diktador na si Ferdinand Marcos. Napakaraming netizens ang nagkomento sa nasabing FB message kaya naman napilitan na si Pia na magbigay ng paglilinaw.
Ipinost ng beauty queen ang screenshot ng nasabing fake account at ipinaalam sa kanyang mahigit 2.3 million followers sa Instagram na hindi sa kanya ang nasabing FB account.
“Again. Not me. Please, people! I do not talk like this. You should know me better,” ang paglilinaw ni 2015 Miss Universe kasabay ng pagsasabing wala siyang in-endorse na kandidato noong nakaraang eleksi-yon.
Pero aniya, isa siya sa mga nagdasal para sa isang “clean and peaceful elections.”
Habang sinusulat ang balitang ito, active pa rin ang nasabing fake Facebook page na may 650,000 followers. Ayon sa handlers ng nasabing account, “this page created to support the reigning Miss Universe Pia Wurtzbach.”
Pero kahit na deleted na ang pekeng post sa timeline, may mga nakapag-share na nito at may dagdag ng mga posts tungkol sa “criminal activities” diumano ni Rodrigo Duterte bago pa ito kumandidato sa pagkapangulo.
Hindi ito ang unang pagkakataon na umapela si Pia sa madlang pipol na mag-ingat sa mga sindikato sa social media dahil last month ay may kumalat ding Instagram post mula sa poser ng beauty queen na nagsasabing isa kina Duterte at Sen. Miriam Defensor-Santiago ang iboboto niyang pangulo na mariing idinenay ni Pia.
Ayon pa sa beauty queen maaaring i-check ng kanyang fans ang mga kaganapan sa buhay niya sa official account ng Miss Universe na may more than 6 million followers pati na rin sa kanyang official Twitter at Instagram page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.