Volleyball superstars dadayo sa Pilipinas | Bandera

Volleyball superstars dadayo sa Pilipinas

Angelito Oredo - May 12, 2016 - 01:00 AM

DADAYO sa bansa ang mga pinakamagagaling na manlalaro sa volleyball na inaasahang magmamarka muli sa Pilipinas sa pagho-host ng Philippine Super Liga (PSL) ng dalawang higanteng internasyonal na torneo.

Umaasa ang PSL na ang taong 2016 ay magiging banner year para sa bansa sa pagsasagawa nito ng pares ng malaking torneo na tinitiyak nito na magbabalik sa Pilipinas sa international volleyball map.

Maliban sa pagsasagawa ng Invitational Conference, Beach Volleyball, All-Filipino Conference at season-ending na Grand Prix, isasagawa rin ng PSL ang AVC Asian Women’s Club Championship sa Setyembre 3 hanggang 11 bago sundan ng prestihiyosong FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre 18 hanggang 23.

Nakahanda na ang lahat para sa pag-iimplementa ng PSL sa dalawang torneo kung saan isinagawa na nito ang drawing of lots para sa Asian joust nakaraang linggo habang nagtungo sa bansa si FIVB executive committee member Stav Jacobi at kasama ni PSL president Ramon “Tats” Suzara ay pinormalisa ang pirmahan para sa memorandum of agreement para sa pagdadala sa bansa ng world tourney nitong Linggo, Mayo 8.

Isusuot ng kasalukuyang PSL Grand Prix champion Foton ang national color sa torneo ng AVC habang ang PSL at FIVB naman ang bubuo sa koponan na tampok ang anim na lokal na player at pili na anim na mahuhusay na import na bibitbit sa bansa sa sobrang kumpetitibong FIVB Women’s Club Championship.

Sinabi ni Suzara na ang pagsasagawa ng dalawang torneo sa Maynila ay isang kontribusyon ng PSL para sa mas mabilis na “development” at “improvement” ng Philippine volleyball.

“It is the PSL’s mission to improve the quality of the sport here in the country,” sabi ni Suzara, na siya rin marketing and development committee chairman ng AVC at miyembro ng FIVB.

“That’s why we’re doing everything to turn this hosting to reality. We want to give our players the exposure they need and treat local fans to world-class volleyball action. Hosting the AVC and FIVB tournaments is our contribution to the improvement and development of Philippine volleyball.”

Maliban sa pag-host sa dalawang event, sinisiguro rin ng PSL na ang home team ay hindi mapapahiya sa laban na sasabak sa torneo na walang kalaban-laban.

Una nang inihayag ng Foton ang pagnanais nitong mabuo ang pinakamalakas na koponan kasama ang mga American import na sina Ariel Usher at Lindsay Stalzer.

Hiniram din ng Toplander ang serbisyo ng iba pang PSL stars tulad nina Aby Maraño ng F2 Logistics, Jen Reyes at Aiza Pontillas ng Petron, at sina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Honey Royse Tubino at Rachel Anne Daquis ng RC Cola-Army upang mabuo ang matikas na komposisyon sa pagnanais nitong gulantangin ang kalapit bansa sa Asya.

Ipinaalam din ni Suzara na bubuuin nito ang pinakamalakas na koponan na may anim na lokal player at anim na imports para sa world meet para pantayan ang lakas ng Rexona Ades Rio de Janeiro ng Brazil, Bangkok Glass ng  Thailand, Pomi Casalmaggiore ng Italy at apat pa wildcard team.

Nais nito na pagsama-samahin ang mga coaches ng iba’t-ibang koponan sa PSL para hawakan ang All-Star Team bagaman hindi nito inaalis ang posibilidad na pahawakan sa isang foreign coach para maturuan at mabigyan ng mga punto ang mga local coaches sa ideya sa pagpagalaw sa isang quality team.

“We’re leaving no stone unturned,” sabi ni Suzara. “This will be our first hosting of a world volleyball tournament after 16 years and the first time to have a home team. We want to make sure that we will not be battered on our home court while giving our local players, coaches and even fans a ringside view of how things are being done in the international level.”

Huling nag-host ang bansa ng isang de-kalibreng torneo noong 2000 FIVB World Grand Prix.
Bagaman hindi nabigyan ng silya makalaro ang Pilipinas, inagaw nito ang interes ng manonood sa pagdadala sa world volleyball sensation na si Leila Barros ng Brazil gayundin sina Maurizia Cacciatori at Francesca Piccinini ng Italy dahil sa kanilang husay, talento at kagandahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Like in the 2000 FIVB World Grand Prix, we want our hosting this year to be an experience of a lifetime, something which Filipino fans will never forget,” sabi ni Suzara.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending