Campaign convoy inambush, 3 patay, 4 sugatan | Bandera

Campaign convoy inambush, 3 patay, 4 sugatan

John Roson - May 07, 2016 - 04:06 PM

TATLO  katao ang nasawi at apat ang nasugatan nang tambangan ng armadong kalalakihan ang convoy ng magkapatid na kandidato sa pagka-alkalde at konsehal sa Jones, Isabela, Sabado ng umaga, ayon sa pulisya. Kabilang sa mga sugatan si Esperanza Rhoda Anunciacion, chairwoman ng Brgy. 1, Jones, na tumatakbo bilang konsehal, sabi ni Senior Supt. Leon Rafael, direktor ng Isabela provincial police. Sugatan din sina Reignzel Art Anunciacion, 12; Julius Julian, 27; at Samuel Bulusan, 39. Nasawi naman sina Arthur Anunciacion, 54; Lydia Zapata, 52; at ang driver na si Roderick Eugenio. Naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa Brgy. Namnama. Pinamumunuan ni Esperanza Anunciacion ang convoy ng kapatid niyang si Vice Mayor Melanie Uy patungo sa campaign rally sa Brgy. Namnama nang ang grupo’y tambangan ng mga armado, sabi ni Rafael sa kanyang ulat. Wala noon sa convoy si Uy, na tumatakbo bilang mayor ng Jones, sabi ni provincial police spokesman Chief Insp. Ronald Laggui sa BANDERA. Naglunsad na ng mga checkpoint sa mga karatig-barangay para maaresto ang mga salarin, aniya. Naganap ang insidente dalawang araw lang bago ang halalan at wala pa isang buwan matapos mapatay ng mga armado ang dating vice mayor ng Jones. Nito lang Abril 13, matatandaang dinukot ng mga hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang noo’y Vice Mayor Ronaldo Lucas, councilor candidate na si Roselyn Pascual, at ilan nilang tauhan habang namamahagi sila ng “calamity assistance” sa mga residente ng liblib na Brgy. Dicamay. Pinawalan ng mga rebelde si Pascual at iba nilang kasamahan, pero si Lucas ay natagpuang patay sa kasukalan. Si Lucas, dating councilor “number one” ng Jones, ay naging vice mayor matapos pagbabarilin at mapatay ng mga armado si Vice Mayor Florante Raspado habang namumuno sa session sa loob ng munisipyo noong Hunyo 19, 2015. Si Uy, ang konsehal na nakakuha ng ikalawang pinakamaraming boto kasunod ni Lucas, ang naging ikatlong vice mayor matapos mapatay si Lucas.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending