LGBT nganga...butata kay Pacquiao; Wa epek ang panakot na boykot sa eleksyon | Bandera

LGBT nganga…butata kay Pacquiao; Wa epek ang panakot na boykot sa eleksyon

Cristy Fermin - May 07, 2016 - 02:00 AM

 

Manny Pacquiao

Manny Pacquiao

BIGLANG tumaas ang numero ni Congressman Manny Pacquiao sa maraming survey, pumapangatlo siya palagi, mukhang mas tataas pa ang kanyang posisyon sa labanan dahil isa siya sa mga senatoriables na isinama ng INC sa kanilang listahan.

Dahil sa biglang pagganda ng numero ng Pambansang Kamao ay maraming nangangantiyaw sa mga miyembro ng LGBT, paano raw ‘yun, parang nawalan ng saysay ang galit nila sa mga naging pahayag nu’n ng boksingero tungkol sa kanilang kasarian.

Malaki ang naitulong kay Pacman ng naging resulta ng kanilang salpukan ni Timothy Bradley, nabuhay ang interes ng ating mga kababayan sa kampeong boksingero, kaya mula sa kawalan ay biglang sumingit ang kanyang pangalan sa survey.

Mukhang matutupad ang pangarap ni Mommy Dionisia Pacquiao na magkaroon ito ng anak na senador. Kung matatandaan, sa mga huling panayam ng dakilang ina ni Pacman sa Amerika bago ito umuwi ay senador na ang tawag ni Mommy Dionisia sa Pambansang Kamao, “Uuwi na agad ang ating senador para ituloy ang kampanya!”

Maraming nangmamaliit sa kapasidad ni Pacman, masyado pa raw maaga para makakopo siya ng upuan sa Senado, magpahinog daw muna sana siya sa kanyang posisyon sa lokal na pamahalaan.

Pero ang paniwala ni Cong. Manny, “Kung pagkakalooban ako ng pagkakataon ng Panginoon, gagawin ko ang lahat ng nararapat para hindi ako mapahiya sa ating mga kababayan. Hindi ko sasayangin ang kanilang tiwala sa akin.

“Kung hindi naman ako papalarin, may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa ating buhay. May magandang layunin ang Panginoon para sa atin,” pahayag ni Pacman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending