Ako po si Andrea Paragas ng Marulas, Valenzuela. Palagi po akong na nagbabasa ng inyong pahayagan.
Taong 2014 nang maratay sa matinding karamdaman ang aking ama dahil sa lung disease.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakapasok. Kasalukuyan pa siyang nagpapagamot at sa dami ng gamot na kailangan niyang inumin ay nahihirapan kami na ma-maintain ito.
Ang tatay ko po ay nagtatrabaho sa pagawaan ng kemikal at sinasabing ito po ang naging sanhi ng pagkakaroon niya ng lung disease dahil hindi naman po siya naninigarilyo at umiinom ng alak.
May nakapagsabi po sa akin na maaari raw kaming mag-claim ng medical benefits sa Employees Compensation Commission bukod pa sa SSS na kanya ng nakuha.
Tanong ko lang po kung pwede ba kaming mag-claim gayong may dalawang taon na simula ng magkasakit ang aking tatay. Paano po ang pag-claim ng benefits?
Malaking tulong ito para sa gamot ng aking tatay
Andrea Paragas
REPLY: Para sa iyong katanungan Andrea. May tatlong taong prescriptive period para sa pag-claim ng benefits
A. Sa kaso sa pagkakasakit—simula sa araw na ang manggagawa ay nawalan ng kakayahan na kumita
B. Sa kaso ng pinsala— simula sa araw na ito ay na-sustain
C. Sa kaso ng kamatayan—simula sa araw ng kamatayan ng manggagawang miyembro
Maaaring mag-file sa pamamagitan ng pagpunan sa form na ibinigay ng GSIS o SSS at ilakip ang pagsuporta sa mga dokumento na kinakailangan.
Ang lahat ng EC claims ay maaaring i-file ng claimant batay sa kanyang option sa Regional office/branch ng System (GSIS) para sa manggagawa sa gobyerno o SSS para sa manggagawa sa pribadong sektor malapit sa lugar na pinagtatrbahuhan o residente.
Sa medical benefits, maaaring isoli ang nagugol na gastos sa mga gamot para sa sakit o pinsala, mga bayad sa medical expenses, ospital, surgical expenses, mga gastos sa supplies.
Ang serbisyong medikal ay limitado sa ward services ng isang accredited hospital.
Ngunit dapat tiyakin na ang mga manggagawa ay maaari lamang mag claim kung ito ay konektado sa trabaho ng pagkakasakit, pinsala o kamatayan
Atty. Jonathan Villa Sotto
OIC Director
Employees Compensation Commission
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq. paglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.