Duterte fan na nambastos sa anak ni Melai dapat parusahan; Wag na wag patatawarin
HALOS maiyak ako sa galit nang mabasa ko ang post regarding that stupid Instagram post of a certain Shawie Enriquez who wished ill on Melai Cantivero’s daughter. Imagine, sinabi nitong dapat daw ay ma-rape ang two-year old daughter nina Melai and Jason Francisco dahil lang sa pag-endorso ng mag-asawa kay Sec. Mar Roxas in the presidential elections.
Napakawalang-hiya ng netizen na ito to say so. Iyan ang napapala ng mga maka-Duterte – they idolize him for being so rude and sobrang outspoken kahit wala na sa lugar. Pati pagmumura nito, asta and all ay ginagaya na nila. Can you imagine kung manalo itong pangulo – what will happen to this country?
Paano na ang mga anak natin? Lalaki silang mga barumbado, bastos at walang takot sa Diyos. That’s what we fear about kung si Duterte ang mananalo sa next week’s polls. Bahala na ang Diyos kung talagang nakatadhana siyang maupo. Wala naman tayong choice but to follow the rules of law and we will just pray na maganda ang kauuwian ng buhay natin.
Isang malaking kahibangan itong pinost ng netizen na ito. Napaka-insensitive – napaka-walang puso para ipagdasal na ma-rape ang isang inosenteng anghel. Nakakagalit – gusto kong pumatay ng tao pag ganitong uri ang makakasalamuha ko. This is what they get for loving Duterte – para na silang mga miyembro ng kulto na walang takot sa Diyos.
Ngayon ay naghuhugas-kamay ang Shawie na ito – she is now saying na na-hack ang kaniyang FB account at hindi raw siya ang may gawa noon. Someone told me na disabled na ang account ng babaeng ito. Wait lang! Paanong na-hack ang account niya? Sikat ba siya para sabihin niyang na-hack ang account niya? Anong mapapala ng kapwa niya netizen para i-hack ang account niya? Si Kris Aquino ba siya or Sharon Cuneta para pag-interesan ng kahit sino na i-hack ang account? Huwag nga niya tayong lokohin.
Panindigan niya ang kabaliwan niya. Depensahan niya ang sarili niya sa korte once na sampahan siya ng kaso nina Melai and Jason. Sinong maniniwala sa kaniyang na-hack ang account niya? Natakot siya, iyan ang aminin niya dahil nagbanta na ang mag-asawang sasampahan siya ng kaso. Baka sumugod pa kami sa korte para hampasin siya ng batya sa mukha.
Go Melai, sige idemanda mo ang babaeng yan. Hindi nag-iisip. Iyan kasi ang imahe ng idolo nilang si Duterte at ginagaya nila. Tuwang-tuwa sila pag nagmumura si Duterte, pag nambubuska – asal-kalye kasi ang idolo nila at iyon ang gusto nilang maging mukha ng bansa.
Ituloy mo Melai ang demanda. Huwag kang magdalawang-isip. Tutulungan ka namin. Huwag nating palagpasin ang pangyayaring ito – let’s teach these people to use social media responsibly.
Nakakagigil talaga. Bakit? Kayo lang ba ang marunong magmura? Pag may batang involved na sa usapin hindi namin ito kayang tanggapin. Magsuntukan na lang tayo! Masakit kina Melai and Jason ang ginawa ng Shawie na ito. Kung kami ngang kaibigan lang nila ay nasaktan sa pinagsasabi niya, what more ang mismong mga magulang.
Sa mga oras na ito ay unti-unting dumadausdos sa ratings ang idol nilang si Duterte kasi nga natatauhan na ang marami sa mga kabulastugan at kayabangan niya. Lalo pa’t nabukong hindi naman pala siya mahirap, bilyonaryo naman talaga ito, eh. Marami kaming kakilala who can attest that he is very rich. Kasi nga, more than 20 years itong naging mayor ng Davao on different terms.
Saan ka nakakita ng mayor ng ganoon katagal na mahirap pa rin, aber? Kaya malakas ang loob niyang magmura kahit kanino kasi nga stable na iyan sa buhay. Matalo man iyan sa anumang eleksiyon he can sit prettily ang live a comfortable life. Hindi katulad natin na kailangang kumayod hanggang mamatay na mahirap pa rin. Ang kaibahan lang natin kay Duterte ay tumatanda tayong may katuturan, may galang sa kapwa, may takot sa Diyos at magandang values.
Sayang naman ang itinuro nating magagandang values sa ating mga anak kung mauuwi lang sa pag-idolo sa isang garapal at matabil ang dilang magiging pangulo. Nai-imagine niyo bang paggising natin sa umaga ay minumura na tayo ng anak natin dahil iyon ang natutunan nila kay Duterte? Kahit mahirap lang ako, I make sure that I teach my child the good values in life – ang pagiging magalang at mapagmahal.
Tingnan mo ang Shawie Enriquez na ito, wala na siyang pinagkaiba kay Duterte. And she has to pay for this. Kailangang turuan siya ng leksiyon. Dati ay gusto namin si Duterte pero ngayon, sh**t na siya sa amin. Isa lang ang wish namin this time – anyone but Duterte for president. Huwag sana siyang manalo dahil nakakatakot ang magiging kalagayan natin.
Magkakaroon tiyak tayo ng revolutionary government. Hay naku, mag-isip-isip po sana tayong lahat. It’s not just about corruption and change, we need a leader na meron ngang tapang pero dapat may compassion at maganda ang tabas ng dila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.