Granada inihagis sa bahay ng isang kandidato sa Siquijor | Bandera

Granada inihagis sa bahay ng isang kandidato sa Siquijor

- May 01, 2016 - 03:18 PM

siquijor
HINAGISAN ng granada ang bahay ng isang kumakandidato bilang konsehal sa Barangay Cang-agong, Siquijor, Siquijor noong Sabado ng gabi.
Swerte pa rin si Cang-agong Barangay Captain Danny Lozada, 43, na hindi sumabog ang granada, ayon kay Inspector Epimaco Benologa, officer-in-charge ng Siquijor Police Station.
Tumatakbo si Lozada bilang independent candidate, na sumusuporta sa United Nationalist Alliance (UNA) sa ilalim ni dating Gov. Orlando Fua, Sr., na tumatakbong gubernador at kalaban ni Gov. Zaldy Villa, ng Liberal Party (LP).
Sinabi ni Benologa na nadiskubre ang granda ganap na alas-10 ng gabi noong Linggo sa balkonahe ng dalawang palapag na bahay ni Lozada.
Habang nanonood ng telebisyon, narinig ni Lozada na may nahulog sa kanyang balkonahe.
Nang kanyang tignan, natagpuan niya ang granada at agad na tumawag sa pulis.
Ayon kay Benologa, wala na ang safety pin o lever ng granada nang ito ay matagpuan.
Agad namang isinara ang lugar.
Sinabi pa ni Benologa na iniimbestigahan pa nila kung sino ang nasa likod ng insidente.
“As of now, I can’t give a conclusive statement. I can’t say if the motive is politics or personal grudge since we are still investigating,” ayon pa kay Benologa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending