Rufa Mae ayaw nang umapir sa Bubble Gang ng GMA | Bandera

Rufa Mae ayaw nang umapir sa Bubble Gang ng GMA

Alex Brosas |May 01,2016
facebook
share this

Rufa Mae ayaw nang umapir sa Bubble Gang ng GMA

Alex Brosas - May 01, 2016 - 02:00 AM

rufa mae quinto

Mukhang wala nang dating ang forthcoming wedding ni Rufa Mae Quinto kay Trevor Magallanes.
Wala nang dating ang katatapos na food tasting niya, ang pagkuha sa wedding planner na si Teena at ang pag-announce niya na matron of honor niya si LJ Moreno-Alapag.

Wala na ring dating ang consultation niya sa fashion designer na si Pepsi Herrera na gagawa ng kanyang dream wedding gown. Why is this so? Kasi hindi na mainit si Rufa Mae. Wala na siya sa radar ng mga tao. Before kasi, ang dami niyang drama na kesyo magpapakasal na siya pero ilang beses itong naudlot.

Anyway, natuwa kami sa desisyon ni Rufa Mae na tanggihan ang Bubble Gang offer na magbalik siya as regular sa show. Ang chika kasi, isang taping lang ang magaganap at good for four episodes na ‘yon.
Alam niyang magiging ngaragan ang taping at isa pa, baka mababa lang ang talent fee na ibigay sa kanya dahil tuhog ang trabaho.

But for some followers of the Kapuso sexy-comedienne, sana raw ay umapir pa rin siya sa Bubble Gang dahil isa pa rin siya sa mga inaabangan ng viewers sa gag show headed by Michael V.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending