Roxas kay Duterte: Nagsinungaling ka na naman!
Leifbilly Begas - Bandera April 28, 2016 - 08:29 PM
TINAWAG na sinungaling ng presidential candidate na si Mar Roxas ang kalaban nitong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
“Mayor Duterte nagsinungaling ka na naman,” ani Roxas na ang pinatutungkulan ay ang bank account nito sa Bank of Philippine Islands.
Nang ilabas ni Sen. Trillanes ang umanoy account na may P211 milyon, sinabi ni Duterte na gawa-gawa lamang ito. Pero nitong Huwebes ay hindi na naikubli ni Duterte at umamin na meron nga siyang account sa nasabing bangko.
“Kailan ba namin malalaman ang buong katotohanan? Kailan ba namin mapanghahawaksn ang iyong sinasabi? Sabi mk kahapon, the account is non existent. Walang account na ganun.”
Isang concerned citizen ang naghulog sa account na isiniwalat ni Trillanes at pumasok ang deposito, isang kumpirmasyon na totoo ang account.
“Napatunayan na account mo ito….. itong account na ito ay pagmamay-ari ni Rodrigo Roa Duterte at Sara Z. Duterte. So nagsisinungaling ka na naman,” dagdag pa ni Roxas.
Ipinaalala ni Roxas ang pinirmahan ni Duterte na ‘End to corruption’ waiver sa mga bank accounts noong unang presidential debate.
“Tapos ngayon na lumabas na may P211 million na pumasok-labas dito sa account na ito—noong 2014 pa by the way ha, 2014—sasabihin mo na the account is a fabrication. The account does not exist. Gawa-gawa, iniimbento lamang.”
Kung ngayon pa lamang ay hindi na umano naasahan ang salita ni Duterte, “ano pa kaya sakaling maluklok ka sa Malacañang?”
“Nagsisinungaling ka, tulad ng pagsisinungaling mo ng iba pang mga pagkakataon, na tuwing haharapin ka ng datos at facts, iibahin mo nanaman ang istorya. Iinsultuhin mo, mumurahin mo ang mga nagsasabi ng totoo.”
Dagdag pa ni Roxas: “Anong saysay nito? Anong saysay ng pirma mo? Pipirma ka ng isang ganito: “Open bank accounts, end corruption,” samantala, may tinatago kang account na itinanggi mo! …. O, ngayon napatunayan. Ikaw pala ang nagsisinungaling.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending