MAGANDANG araw po.
Gusto ko lang pong ikonsulta ang nangyari sa akin sa isang kumpanya na napasukan ko.
Na-hire po ako as a company driver pero wala po akong kontratang nilagdaan sa kanila.
Matatagpuan po ang kumpanya namin sa Eco Plaza sa Pasong Tamo Extension, Makati. Nag-start po ako noon lang April 26. Bale 24 hours po ang duty ko rito.
Nahirapan akong makipag-usap sa mga pasahero ko dahil Chinese ang mga ito.
Kaya sa unang araw ko ay pumalpak agad ako nang intindi sa mga instruction at schedule ng pagsundo sa isa mga empleyado kaya kinabukasan ay tinanggal ako sa trabaho.
Maaari ko bang kasuhan ang amo ko? May karapatan ba ako bilang manggagawa? Ano po ba ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon?
Regards po.
Ramon N Reyes Jr
Ang mga ganitong queries on general labor standards and occupational safety and health ay maaaring idulog sa DOLE Call Center. Mayroon kaming mga trained call center agents who handle these kind of queries. Ngunit amin na rin inindorso kay Ms. Celeste T. Maring Supervisor, DOLE Call Center Labor Communications Office ang inyong hinaing.
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Muralla, cor. Gen. Luna Streets
Intramuros, Manila
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq. paglingkuran sa abot ng
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.