Pangmatagalang boyfriend ang hanap | Bandera

Pangmatagalang boyfriend ang hanap

Joseph Greenfield - April 29, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sheila ng Dacudao, Agdao,
Davao City
Dear Sir Greenfield,
Sa edad kong 25 sa darating na May 10 ay marami na akong naging boyfriend at naranasan ko na ring makipag-live in. Kaya lang ang labis kong ipinagtataka ay matapos ang isang taong relasyon ay nawala rin ang lalaking naka-live-in ko. Sa pakiramdam ko niloko at ginamit lang niya ako. Natuklasan kong bukod sa akin ay may ibinabahay pa pala siyang ibang babae. Tapos noon, nakipag-boyfriend na naman ako sa kung kani-kaninong lalaki, pero puro hindi seryoso. Ang feeling ko ay ginagamit lang nila ang katawan ko at tapos ay iiwanan din. Hanggang ngayon ay broken hearted pa rin ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon na ako ng isang permanente, seryoso at pang matagalang boyfriend na pakakasalan ako at hahantong sa isang masaya at pang habang buhay na ka-relasyon? May 10, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Sheila ng Agdao, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sadyang magulo ang gitnang bahagi Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), kaya naging magulo rin ang buhay pag-ibig mo, ngunit gumanda rin ang nasabing Heart Line (arrow 2.) sa gitna hanggang dulong bahagi nito. Ibig sabihin, sa kalagitaan ng iyong edad ay hindi imposibleng magkaroon ka na rin ng isang masaya at panghabangbuhay na relasyon.
Cartomancy:
Queen of Spades, King of Clubs at Queen of Clubs ang lumabas (arrow 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pagkatapos ng mapapait na karanasan sa pag-ibig sa taong 2016 sa edad mong 25 pataas, makaka-boyfriend ka na ng pangmatagalan, makapag-aasawa at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending