Pokwang di inalok ng ABS para maging host ng ‘Magandang Buhay’
ANOTHER Kapamilya Gold teleserye ang tinututukan ng publiko sa ABS-CBN, ang We Will Survive nina Pokwang and Melai Cantiveros na nasa bagong timeslot pagkatapos ng Tubig At Langis.
Marami ang kinilig nu’ng mag-propose na kay Pokwang as Wilma si Jeric Raval na gumaganap naman bilang si Edwin. At least, sumasaya na ang mundo ng karakter ni Pokwang sa serye.
Kaya lang may tumutol sa pagpo-proposed ni Jeric. At ‘yun ay walang iba kundi ang “anak” ni Jeric na si Jude (John Steven de Guzman).
Dahil dito, aalis ang bata na hindi nila mapapansin hanggang sa may mangyayaring aksidente kay Jude.
Pero maliligtas naman siya ni PJ na walang iba kundi si Carlo Aquino, na siya ring ama ni Jude.
Habang ang ina ng bata at best friend ni Pokwang sa serye na si Melai (Maricel) ay nagkaroon naman ng problema sa kanyang employer sa China.
And speaking of Melai, certified TV host na rin ang misis ni Jason Francisco. Parang kailan lang pa-guest-guest lang siya sa Kris TV noon. Hindi lang si Melai ang madalas na guest ni Kris noon sa kanyang morning show kundi pati si Pokwang.
In fact, mas madalas pang kasama ni Kris sa morning show niya as guest co-host si Pokwang more than Melai. Kaya lang si Melai ang nilagay sa bagong morning show ng Dos at hindi si Pokey.
Noong makasalubong namin si Pokwang sa ABS-CBN, we asked her kung inalok din ba siya ng Kapamilya network ng isang talk show. But on the second thought, sinabi namin sa kanya na baka hindi rin niya kayanin kasi busy siya sa We Will Survive at may pelikula pa siya.
“E, kung meron talaga (offer to host a talk show), bakit ko naman tatanggihan? Magagawaran ng paraan ‘yan at lahat kakayanin natin siyempre,” pahayag ni Pokwang.
Naman!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.