Mister ni Grace Poe, Chiz nagsuntukan? | Bandera

Mister ni Grace Poe, Chiz nagsuntukan?

Leifbilly Begas - April 28, 2016 - 04:51 PM
MARIING itinanggi ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe na nagsuntukan ang kanyang mister na si Neil Llamanzares at running mate na si Sen. Chiz Escudero. Kung totoo umano ito tiyak na kulay asul na si Chiz dahil sa pasa na natamo nito sa mister. “‘Yung suntukan na naman? Okay. Naghahanap na naman kayo ng kuwento na exciting sa kampanyang ito. Pero tingnan niyo naman, sabi ni Senator Chiz, kung totoo daw ‘yon e di sigurado marami na raw pasa ‘yung kalaban niya. Hindi po totoo, baliktad po. Siya ang maraming pasa kung totoo ‘yon,” ani Poe. Maging si Escudero ay itinanggi ang balita na nakabangga niya ang mister ng kanyang katandem. “Hindi po totoo ‘yan, malapit kami ni Neil, ni Sen. Grace—mga pamilya namin. Wala na ba silang maisip na ibang isyu at intriga at pilit na lang nilang ginagamit at binabalikan? Nauna, nagsigawan; sumunod, nag-away; ngayon, palapit na talaga ang eleksyon, sapakan na talaga. Wala naman, ano. Wala namang tama,” ani Escudero. Samantala, sinabi ni Poe na hindi siya ang tinutukoy ng kalaban na si Sen. Miriam Defensor Santiago na nag-alok ng P300 milyong upang umatras sa pagtakbo. “Siguradong hindi ako ‘yon, at kung meron man akong ganoon, gagamitin ko na lang sa kampanya ko o kaya ipamimigay natin sa mas makabuluhang paraan kasi mataas ang pagrespeto ko kay Sen. Miriam,” ani Poe. Sinabi ni Poe na kanyang hinahangaan si Santiago na hindi sumusuko sa laban. “At para nga sa akin, ‘yung sinasabi niya na hindi ako susuko, na ipapagpatuloy ko ito ay isang ehemplo rin sa ating mga tumatakbo na kahit na malaki ang hamon, kung naniniwala ka sa ginagawa mo—may sakit ka man, talo ka man, wala ka mang pera—dapat ituloy mo,” dagdag pa ng senadora.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending