Trillanes magbibitiw, aatras kapag di totoo alegasyon vs Duterte | Bandera

Trillanes magbibitiw, aatras kapag di totoo alegasyon vs Duterte

Lisa Soriano - April 28, 2016 - 04:35 PM

NANGAKO si Sen. Antonio Trillanes IV na magbibitiw bilang senador at iuurong ang kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente kapag hindi napatunayan ang alegasyon laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa tagong P211 milyon pera nito sa bangko na hindi idineklara sa kanyang 2014 statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

“Ngayon hinahamon ko si Mayor Duterte, pirmahan mo ‘tong waiver na ‘to na sa ganoon malaman natin once and for all kung ano ang laman nyang account mo sa BPI (Bank of the Philippine Islands),” sabi ni Trillanes.

Kasabay nito, nangako si Trillanes na pangungunahan ang impeachment laban kay Duterte sakaling manalo bilang pangulo.

“Mag-re-resign ako sa Senado at mag-wi-withdraw ako sa pagkabise presidente. Kapag nagkamali ako, wala na ako sa politika,” ayon pa kay Trillanes.

Nauna nang sinabi ni Trillanes na tinatayang aabot sa P211 milyon ang account ni Duterte sa BPI.  Napabalita na rin na inamon ni Duterte na meron nga siyang account sa nasabing bangko pero ayaw tukuyin kung magkano ang laman nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending