Confirmed: Duterte umamin na meron siyang BPI account
HINDI na nakatanggi pa at inamin na rin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na meron siyang account sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Julia Vargas ave. sa Pasig City, gaya ng rebelasyon ni vice presidential bet at Senador Antonio Trillanes IV.
Gayunman, kasabay nang pag-amin ay hinamon ni Duterte si Trillanes na gumawa ng affidavit na magsasalaysay kung paano at saan niya nakuha ang datos hinggil sa umano’y P200 milyon na laman ng nasabing account sa BPI.
Iginiit naman ni Duterte na nasa P50,000 at P17,500 ang kanyang mga account, taliwas sa alegasyon ni Trillanes na nasa mahigit P200 milyon ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.