Hamon kay Oyo Sotto: Maglabas ng ebidensiya laban kay Mar | Bandera

Hamon kay Oyo Sotto: Maglabas ng ebidensiya laban kay Mar

Ervin Santiago - April 26, 2016 - 05:07 PM

oyo boy

BINATIKOS si Oyo Sotto ng ilang netizens matapos itong mag-post sa kanyang Instagram account tungkol sa diumano’y panggigipit sa ilang botante na ihalal ang Liberal Party standard bearer at dating DILG Secretary na si Mar Roxas.

Hinamon ang anak ni Vic Sotto na maglabas ng “concrete evidence” sa mga akusasyong pinagpo-post nila sa social media laban kay Roxas. Ilang screen grab IG messages ang ipinost ni Oyo sa kanyang account mula sa kanyang followers na nagsasabing ginigipit daw sila ng isang “diktador”. Ayon sa mga ito, pinipilit daw silang iboto si Roxas sa darating na May 9 election, kung hindi raw nila gagawin ito ay mawawalan sila ng trabaho pati na rin ang kanilang mga kapamilya na nagtatrabaho sa munisipyo. Nilagyan pa ni Oyo ng caption ang mga nasabing post ng, “Isa sa mga nag-comment sa post ko. Grabe nakakalungkot. Please lang kilalanin ninyo nang maigi ang kandidato ninyo. Wag kayong matakot na iboto ang gusto nyo.” Ayon naman sa ilang followers ng aktor, huwag basta maniniwala sa mga naka-post sa social media, madali raw kasing magparatang at magpakalat ng mga balita na wala namang katotohanan. Lalo pa’t isang kilalang tagasuporta raw ni Duterte si Oyo. Kaya naman ang hamon sa kanya ng netizens, maglabas ng sapat na ebidenya para patunayan ang kanyang mga sinasabi pati na rin ang akusasyon ng kanyang followers. Pero meron din namang kumampi kay Oyo at pinatunayan na meron talagang gumagapang sa ilang lugar para iboto ang isang partikular na kandidato at kung hindi nila ito gagawin ay may hindi magandang mangyayari sa kanila. Ilang bashers naman ang sinagot ni Oyo na nagsabing hindi na kailangan ng ebidensiya sa isyung ito dahil sapat na ang ginawang pagpapatotoo ng ilang nag-comment sa kanyang post “Pwede ba mag basa muna kayo ng mga comments? Dahil hindi lang naman isa ang nagsabi nyan. Madami dito ang nag comment na nangyayari talaga yan. Wag nyo isarado mga utak nyo. Wag kayong manhid,” sabi pa ni Oyo. May tumawag ding “trapo” sa tiyuhin ni Oyo na si Sen. Tito Sotto na kumakandidato ring senador ngayong eleksiyon. Resbak naman ng asawa ni Kristine Hermosa, hindi raw nila pinipilit ang mga tao na iboto si Tito Sen at lalong hindi sila bumibili ng boto tulad ng ibang kandidato.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending