Kandidatong konsehal sa Sorsogon binaril sa campaign sortie, patay
PATAY ang isang tumatakbo na konsehal sa Matnog, Sorsogon matapos siyang pagbabarilin ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan habang nangangampanya sa barangay Pawa noong Lunes ng gabi, ayon sa pulisya.
Dumadalo si Cayetano Gallanosa Oro Jr. sa isang rali ng partido ganap na alas-6:20 ng gabi ng siya ay atakihin ng mga suspek, na naging dahilan ng agaran niyang pagkamatay, ayon kay Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib, Bicol regional police spokesperson.
Sinabi pa ni Calubaquib na wala namang ibang nadamay sa pamamaril.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.