From rugs to riches: Tindero ng basahan panalo ng P94.2M sa lotto

By Leifbilly Begas April 26,2016
share this

From rugs to riches: Tindero ng basahan panalo ng P94.2M sa lotto

By Leifbilly Begas April 26,2016
share this
ISANG  tindero ng basahan ang nanalo ng P94.2 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 noong Abril 14.
Kinuha na ng tindero sa  tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kanyang panalo.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 13-20-31-41-45-46, at tumaya ng lucky pick na nagkakahalaga ng P20.
Hiwalay sa asawa at merong dalawang anak ang nanalo na taga-Laguna.
Noong 2007 pa umano siya tumataya ng lotto.
Plano ng tindero ng basahan na bumili ng sariling bahay at lupa at magtayo ng sariling negoyosyo, at magtatabi para sa kinabukasan ng mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending