Dominic Ochoa maraming pinaiyak sa pilot week ng My Super D
Watched the week-long episode of Dreamscape Entertainment’s production of My Super D at the Dolphy Theater. Marami ang napahanga sa magandang production value ng show. Bida rito si Dominic Ochoa na nagkaroon ng passion to help other people dahil na rin sa kanyang tatay played by Ronnie Lazaro.
Sa unang eksena pa lang ay ipinakita na si Richard Yap bilang si Super D na tinulungan ang barangay captain na si Dado (Ronnie) na kasama ang kanyang wife na si Belen (Sylvia Sanchez) na noo’y manganganak na sa kanilang unang supling named Dodong (Marc Santiago) na nang lumaki ay si Dominic na.
Napatay si Super D ng isang grupo ng criminal na pinangungunahan ni Don Zulueta (Ronaldo Valdez).
Magaling ang cast members lalo na si Dominic na maraming napaiyak sa eksena niya sa jail. Magaling ang batang Dodong na si Marc at puwede siyang manalo ng award.
Revelation si Marvin Agustin bilang si Tony na meron palang gusto kay Nicole (Bianca Manalo) na naging asawa ni Dodong. Sikat na artista si Marvin at bongga ang kanyang scenes with English dialogues. Talagang nakakatawa ang eksena niya at ang galing-galing niya.
We’re quite certain na magki-click ang My Super D sa mga kids when it premieres April 18 bago mag-TV Patrol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.