Torch ng Palarong Pambansa sumabog, 3 sugatan | Bandera

Torch ng Palarong Pambansa sumabog, 3 sugatan

- April 15, 2016 - 05:30 PM

TATLO ang sugatan nang sumabog ang torch na sinindihan para sa Palarong Pambansa sa Legazpi City, Albay, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng pinsala sa ulo ang security guard na si Jon-Jon Herrera at mga empleyado ng Albay Provincial Sports Office na sina Thea Nocedo at Susan Ocfemia nang tamaan ng mga tumalsik na bato, sabi ni Supt. Joselito Esico, hepe ng Legazpi City Police.

Naganap ang pagsabog dakong alas-10:20 sa track and field oval ng Bicol University, kung saan nilagay ang torch ng taunang palaro.

Sinabi sa pulisya ng mga sugatan na kumukuha sila ng larawan sa ilalim ng torch, nang makarining ng pagsabog at maramdamang tinamaan sila ng debris.

Dinala na ang mga sugatan sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital para malunasan, sabi ni Esico sa kanyang ulat.

Napag-alaman naman kay Noel Nolasco, ng Albay Provincial Engineering Office, na ang torch ay gumagamit ng liquefied petroleum gas bilang panggatong.

Sinindihan ang torch noong Abril 11, nang magbukas ang Palarong Pambansa, at nakatakdang pagliyabin hanggang matapos ang sports event.

Sinabi ni Nolasco sa pulisya na pinalalaki ang apoy ng torch mula 4 ng umaga at pinaliliit sa tuwing matatapos ang huling sports event ng araw.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection kung anong nagdulot ng pagsabog, ani Esico.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending