Sasakyan ng wedding guests nabangin, 5 patay, 24 sugatan | Bandera

Sasakyan ng wedding guests nabangin, 5 patay, 24 sugatan

John Roson - April 14, 2016 - 05:51 PM

LIMA katao ang nasawi habang 24 pa ang nasugatan nang mahulog ang pick-up, na puno ng mga taong dumalo sa kasal, sa isang bangin sa Tinglayan, Kalinga, iniulat ng pulisya Miyerkules ng gabi. Dead on the spot ang mga sakay ng pick-up na sina Patricio Daliyong at Sabas Onalan, habang binawian ng buhay sa ospital sina Anastacia Abagoy, Isabel Ladaw, at Virginia Manisim, sabi ni Supt. Cherry Fajardo, tagapagsalita ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-3:50 ng hapon Martes sa bahagi ng Poblacion-Tulgao road na sakop ng Sitio Patoy, Brgy. Poblacion. Minamaneho ni Salvador Oklod ang “double cab” pick-up nang mahulog ito sa bangin na tinatayang 20 metro ang lalim, ani Fajardo. Lumabas sa imbestigasyon na galing ang sasakyan sa isang kasal sa Brgy. Dangal, nang bigla umanong magloko ang makina. Dinala sa Tinglayan police station ang driver ng pick-up para sa karagdagang imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending