Sarah: Gusto kong gumawa ng mga proyekto na hindi lang puro pampakilig at magpatawa!
KINUMPIRMA ni Sarah Geronimo ang pagkawala niya bilang isa sa mga hurado ng The Voice pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata sa ABS-CBN. Inamin ng Pop Princess na feeling niya hindi siya ganu’n ka-effective bilang judge/mentor sa naturang talent search.
A few days before her admission ay nakausap namin ang executive producer ng It’s Showtime na head rin ng production staff ng The Voice na si Peter Reyes.
Si Peter ang nagbigay ng ideya na ipasok ang “Tawag ng Tanghalan” portion sa Showtime at pati na ang sistema ng pagpili ng winner ay kinuha rin sa The Voice. Kaya naman successful at tinututukan talaga ang TNT.
Dahil siya rin ang executive producer ng The Voice kaya tinanong namin si Peter kung mawawala na si Sarah sa show. Sagot niya sa amin, mas maigi raw na manggaling sa talent management ni Sarah which is ang Viva ang pag-issue ng official statement regarding this.
At ngayong wala na nga si Sarah sa The Voice, for sure, they will get another judge na kasing sikat ni Sarah. Ang sabi sa amin, posibleng ang Megastar na si Sharon Cuneta ang posibleng pumalit kay Sarah bilang hurado sa The Voice.
Meanwhile, after signing another two-year contract sa ABS-CBN, Sarah said there will be some changes sa kanyang career this year, “Masaya ako sa ABS-CBN and sobra akong grateful na hanggang ngayon gusto pa rin nila ako na maging bahagi ng pamilya nila.
“I would say na mas magiging careful ngayon sa mga projects na tatanggapin kasi gusto ko talaga pag gumawa ako ng proyekto na meron akong ma-i-impart na magandang lesson sa mga tao, inspirasyon.
Hindi lang yung magpakilig o magpatawa. Yun ang gusto ko talaga,” Sarah added in one interview.
And speaking naman of It’s Showtime, mukhang may mawawalang ilang members ng all-male group na Hashtags. Ayon sa aming source, apat daw ang tatanggalin sa grupo.
Tatanggalin dahil super busy na raw yung apat kaya madalas hindi na dumarating sa It’s Showtime, not because ngkaroon na sila ng attitude, huh!
Anyway, dahil may mawawala kaya naman balita namin may ginaganap na raw na audition para sa bagong members ng Hashtags.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.