Susuwertehin ba sa negosyong tindahan? | Bandera

Susuwertehin ba sa negosyong tindahan?

Joseph Greenfield - April 07, 2016 - 02:23 PM

Sulat mula kay Marie ng San Vicente, Likoan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
Ako ay isang ginang ng tahana na nasa bahay lang habang ang mister ko lang ang may trabaho at may tatlo kaming anak na nagaaral sa elementary at high school kaya hirap na hirap po kami sa ngayon. Laging kapos ang budget at pahaba na po ng pahaba ang listahan ng utang namin sa tindahan. Panay naman po ang taya ko sa lotto pero hindi ako pinapalad na tumama. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung sa sakali kayang magtayo ako ng tinadahan sa harap n gaming bahay susuwertehin kaya ako? Sabi kasi ng sister ko na nasa Dubai papahiramin nya daw ako ng puhunan at unti-unti ko na lang daw bayaran kapag malakas na ang tindahan na itatayo ko. October 14, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Marie ng Likoan, Cebu
Solusyon/Analysis:
Pamistry:
May Guhit ka ng Negosyo at Biglang Suwerte sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin dahil sa biglang suwerte, magugulat ka pa, bigla kang makakahawak ng limpak-limpak na salapi, sapat upang magamit sa negosyong may kaugnayan sa tindahan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Ten of Hearts at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae at sa tulong ng iyong mister, tiyak na mapapalago ninyo ang itatayo ninyong tindahan, hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad at makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending