Alden, Maine may pasabog na sorpresa para sa mga miyembro ng Aldub Nation
BUHAY na buhay pa rin ang AlDub Nation. Pinatunayan pa rin nila na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang hottest loveteam today by trooping at the Trinoma Activity Center para sa grand launch ng mga ine-endorse nilang products ng Bench recently.
Sa maniwala’t hindi ang marami, alas-siyete pa lang daw ng umaga ay sinugod na ng AlDub fans ang Trinoma. Posible naman ‘yun kasi nakita talaga namin kung gaano karami ang mga taong nakapalibot mula sa Activity Center mula ground hanggang third floor.
And we would say, na ang grand launch ng products nina Alden at Maine ang may pinakamaraming tao in attendance sa isang event ng nasabing clothing company.
Grabe talaga ang AlDub loveteam. No wonder, hanggang tenga ang ngiti ni Ben Chan from the time we greet him hanggang umalis kami sa event.
At tulad ng madalas gawin ng AlDub Nation, they set another record again bilang pinakamabilis na produktong nabili sa mall at ‘yun ay ang signature scent collection named after Maine. In less than 15 minutes, naubos agad ang signature scent collection ni Maine sa Trinoma, huh!
Unang lumabas on stage si Maine para sa dance number niya na tila dina-dubmash ang kanta ni Nicki Minaj habang may background ng dinner-themes nu’ng 50’s na set design sa kahalati ng stage. Sa kahalati naman ng stage ang isang barbershop na naka-set-up for Alden.
Bukod sa dance number, kumanta rin si Alden mula sa kanyang five times platinum album. Towards the end, lumabas ulit ng stage si Maine at sinamahan si Alden sa gitna ng stage.
So, alam ninyo na kung ano ang mangyayari kapag nagsama na ang dalawa, huh! Nakakabinging sigawan at padyakan ng mga fans. Talagang nagkagulo na ang lahat nang sabay nang pumagitna sa stage ang AlDub loveteam.
Buti na lang, bongga ang ginawang security at safety measures sa mall.
At sa huli, nabitin naman ang AlDub Nation sa announcement nina Alden at Maine tungkol sa next big project na gagawin nila na tiyak na ikaka-excite raw ng kanilang fans. Mangyayari daw ‘yun sa July.
So, esep-esep naman kami kung ano ‘yun? Hindi kaya ang hinihintay na kauna-unahang primetime drama series ng AlDub? A big concert na sila lang talaga ang bida? Or a solo movie na dapat sana’y noong February pa nila ginawa?
Basta ang sabi ni Maine sa isang panayam, “Para po ito sa Aldub Nation at tiyak na matutuwa sila sa surprise namin.” Dagdag ni Yaya Dub, baka raw sa kalagitnaan ng April nila sisimulan ang nasabing project.
“Hopefully by July matapos na, magandang anniversary gift din,” dagdag ni Maine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.