Gary pag-aaralin ang mga anak ng namatay na driver | Bandera

Gary pag-aaralin ang mga anak ng namatay na driver

Reggee Bonoan - April 02, 2016 - 03:00 AM

GARY VALENCIANO

GARY VALENCIANO

MARAMING artista ang gumagawa ng kabutihan sa kanilang kapwa ang hindi na nila ipinaaalam sa lahat dahil katwiran nila, anong silbi ng pagtulong kung ipapadiyaryo mo naman.

Kamakailan lang ay parehong may tinulungan sina Ian de Leon at Luis Manzano na parehong biktima ng aksidente, itinakbo nila ang mga ito sa hospital.

Hindi nag-iwan ng contact number ang dalawang personalidad at hindi rin nila ito ibinandera, nataon lang na gusto silang pasalamatan ng mga taong kaanak ng natulungan nila at inilabas ito sa social media kaya kumalat.

Isa pa rin itong si Gary Valenciano na eversince ay napakapribadong tao, magkukuwento lang siya ng tungkol sa sarili o sa pamilya kapag showbiz related ang pinag-uusapan, pero kung hindi ay wala kang malalaman.

Anyway, naikuwento ng aming kaibigan na ang kaklase niya ay anak ng long time family driver ng mga Valenciano na sumakabilang buhay na.

Personal driver daw ni Gary ang tatay ng kaklase ng kaibigan namin na hindi binanggit kung ilang taon nang naninilbihan sa pamilya, at ikinuwento nga nito na sobrang bait daw ni Mr. Pure Energy sa kanilang buong pamilya at matulungin.

Marahil ay oras na ng tatay ng kaklase ng kaibigan namin dahil papasok daw siya noon sa mga Valenciano na hindi nabanggit kung dala ang sasakyan ng singer ay naaksidente raw ito at kaagad ding binawian ng buhay.

Medyo hirap sa buhay ang pamilya ng driver ni Gary kaya naman hindi alam kung ano ang gagawin. To the rescue kaagad ang singer at siya lahat ang nag-asikaso sa mga kailangan ng namatay na driver at pinuntahan pa niya ito sa probinsiya kung saan nakatira ang pamilya nito.

At dahil nag-aaral pa ang mga anak ay sinagot na raw ng singer ang gastos nila at nagbigay pa ng ekstrang tulong.

Kaya sa mga artistang ayaw ipagsabi ang mga nagawa nilang tulong sa kapwa nila ay saludo kami sa inyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending