Hirit ni jinggoy na makapunta sa porklamasyon ng anak ibinasura | Bandera

Hirit ni jinggoy na makapunta sa porklamasyon ng anak ibinasura

Leifbilly Begas - April 01, 2016 - 04:25 PM

jinggoy estrada
Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang hiling ni Sen. Jinggoy Estrada na makapunta sa proclamation rally ng anak na si Janella na tumatakbong vice mayor ng San Juan.
Sa dalawang pahinang desisyon, sinabi ng korte na wala silang nakikitang merito upang pagbigyan ang hiniling ni Estrada na makalabas ng PNP Custodial Center sa Quezon City ngayong gabi.
“As has been consistently reiterated by this Court, accused cannot be accorded the full enjoyment of civil and political rights as a necessary consequence of his detention,” saad ng desisyon. “Incarceration, by its nature changes an individual’s status in society. Verily, confinement restrains the power of locomotion or actual physical movement.”
Naghain ng mosyon si Estrada upang makapunta sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan kung saan isasagawa ang proclamation rally.
“He is not seeking temporary liberty from his detention but is merely asking leave from the court to be allowed to comply with his legal and constitutional duties and perform his function as a public servant,” saad ng mosyon ni Estrada.
Tinutulan naman ito ng prosekusyon at iginiit na nauna ng ibinasura ng korte ang mga katulad na hiling nito.
Kasama sa mga ibinasura ng korte ang nais ni Estrada na dumalo sa pagdinig ng Mamasapano incident sa Senado at ang gagawing canvassing ng mga boto para sa pagkapangulo at bise presidente sa Mayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending