Kalat na: Sharon ipapalit kay Sarah sa The Voice Kids | Bandera

Kalat na: Sharon ipapalit kay Sarah sa The Voice Kids

Reggee Bonoan - March 31, 2016 - 02:00 AM

sharon cuneta

Trulili kaya na si Sharon Cuneta ang ipapalit kay Sarah Geronimo bilang isa coach sa pagbabalik ng The Voice Kids Season 3? Ayon sa source namin ay narinig daw niyang pinag-uusapan na puwedeng ang Megastar ang ipalit kay Sarah sa TVK3 pero wala pa raw final decision kasi nga baka raw hindi kilala ng mga bagets si Shawie.

Kasi nga hindi naman daw inabutan ng mga bagets si Sharon kung ikukumpara kay Sarah na karamihan sa fans niya ay bata though karamihan din sa mga awiting pinasikat ng Megastar ang audition piece ng kids.

Hmmmm, hindi kaya puro si Sharon ang piliin ng kids bilang voice coach dahil bilin ng magulang nila na sigurado kaming supporters ni Mega dahil kapanahuan nila. May nag-suggest na si Yeng Constantino na lang daw ang ipalit kay Sarah dahil may “K” naman siya bilang produkto ng reality show at maraming hit songs.

Kaso, iba naman ang dinig namin dahil kinukuha ulit si Yeng bilang co-host nina Robi Domingo at Luis Manzano. Anyway, speaking of Sarah, hindi naman pala siya totally mawawala sa telebisyon dahil mapapanood pa rin siya sa ASAP20 at The Voice Kids 3 lang ang tinanggihan niya dahil siguro hindi swak sa oras niya sa pagbabalik niya sa eskuwela.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending