Sigaw ng ilang AlDub fans: Maawa naman kayo kay Alden! | Bandera

Sigaw ng ilang AlDub fans: Maawa naman kayo kay Alden!

Cristy Fermin - March 30, 2016 - 02:00 AM

alden richards

Nababahala ang aming kaibigan, nagmamalasakit sila kay Alden Richards, gusto nilang makarating sa mga namamahala sa career ng actor-singer ang kanilang suhestiyon.Kapag napapanood daw nila si Alden sa kanyang mga programa ay nakakaramdam sila nang matinding awa.

Wala na raw kasi ang freshness na dati nilang nakikita kapag natututukan nila ang Pambansang Bae.
Opinyon ng isa sa kanila, “Hindi ba nila puwedeng bigyan ng kahit one day off si Alden para naman makapagpahinga? What is one day na iiwanan nilang libre para sa talent nila?

“Walang gagawin si Alden sa one whole day na ‘yun kundi ang matulog, magpahinga at kumain lang para naman makabawi siya sa sobrang pagod the whole week! “Nakakaawa naman siya, the last time I saw him sa Sunday PinaSaya, napag-iiwanan na ang itsura niya.

Pagod na pagod si Alden, too exhausted, natatalo na ng pagiging pagod ang kaguwapuhan niya!” kuwento ng unang source. “Yun din ang punto ng isa pang nakausap namin, “May mga times pa ngang para siyang natutulala! Ang akala ba ng mga managers niya, e, hindi napapansin ‘yun ng mga televiewers? Kitang-kita ‘yun dahil talagang tutok na tutok sa mga action at sinasabi niya ang manonood!” sabi nito.

Sinasamantala lang daw naman kasi ng mga nag-aalaga kay Alden Richards ang pagkakataon. Alam kasi nila na tumatamlay ang karera ng mga artista pagkatapos nang ilang panahon, kaya habang mainit pa si Alden, go lang sila nang go!

“Maawa naman sila du’n sa tao! Kahit makina, e, pinagpapahinga! Give him the chance to recharge, baka bumagsak na lang si Alden isang araw!” sabi pa ng grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending