Bagong silang na sanggol iniwan sa garahe ni Rez Cortez
NAKAKATUWA ang kwento ng character actor na si Rez Cortez tungkol sa iniwang bagong silang na babaeng sanggol sa kaniyang garahe noong Enero 15. Kahit may apat na silang anak ng asawang si Candy, itinuring pa rin nilang parang tunay na anak ang baby girl na para sa kanila ay isang belated Christmas gift mula sa Diyos.
Pinangalanan nila ang bata na Cassandra Grace, sunod kay Sen. Grace Poe na isa ring pulot o “foundling” bago inampon nina Da King Fernando Poe, Jr. at Ms. Susan Roces. Hindi raw alam nila Rez kung sino ang tunay na mga magulang ng bata.
Inspirado ang tatay ni Cai Cortez na ampunin ang bata lalo na at malapit ito sa pamilya ni FPJ.
Sinuportahan ni Rez ang kandidatura ni FPJ bilang pangulo noong 2004 eleksyon at gayundin ng kay Grace nitong halalan sa Mayo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.