Pangarap na CPA matutupad ba? (2) | Bandera

Pangarap na CPA matutupad ba? (2)

Joseph Greenfield - March 29, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Benilda ng Diaz Subdivision, Lagao, Gen San City
Problema:
1. Nagtatrabaho ako sa ngayon sa isang lending company bilang accounting clerk. Isang beses na po akong nag-take ng CPA board exam noong taong 2014, kaya lang bumagsak ako. Nais ko sanang kumuha uli ng CPA board exam next year sa 2017. Favorable kaya sa akin ang 2017 para kumuha ng CPA board exam at sa ikalawang pagkakataon makakapasa na kaya ako?
2. Pangarap ko ring mag-abroad balang araw, kaya gusto ko ring malaman kung makapag-aabroad ba ako at kung susuwertehin kaya ako sa abroad kung sakaling makapag-abroad ako? December 10, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Benilda Lagao,
Gen San City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa susuwertehin ka ng makapasa sa CPA board exam, kung wala ka pang boyfriend sa ngayon, sa nasabing taong 2017 sa edad mong 28 pataas, magkaka-boyfriend ka na rin – hatid ng isang lalaking kagaya mo ring professional na isinilang sa zodiac sign na Gemini.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing kung uugaliing laging magsuot ng kulay na dilaw at pula sigurado na ang magaganap, sa career at pag-ibig lalo kang susuwertehin. Dagdag dito ayon sa iyong mga numero sa taong 2019 sa edad mong 30 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Graphology:
Kapansin-pansing nakakulong sa malalaking bilog ang iyong lagda kaya minsan nawawalan ka ng tiwala sa iyong sarili. Mas mainam kung sa halip na tapusin ang iyong lagda sa hugis bilog, mas maganda kung sadyain mong buksan ang “bilog ng letrang o” at tapusin ang “end stroke” ng iyong lagda sa direksyong tuwid na guhit patungong pakanan. Sa ganyang pagbabago ng pirma, tuloy-tuloy ka nang uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Benilda ayon sa iyong kapalaran nakaayos na ang magaganap, kung magre-review ka na ngayon pa lang na taong ito ng 2016 upang paghandaan ang pagkuha ng exam sa susunod na taong 2017, sigurado na ang magaganap, magaan nang matutupad ang iyong pangarap, sa nasabing panahon sa edad mong 28 pataas, makakapasa ka na sa CPA board exam hanggang sa tuloy-tuloy ka na ring maging isang ganap at matagumpay na Certified Public Accountant.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending