Female singer pilit na itinatago ang tunay na pinanggalingan | Bandera

Female singer pilit na itinatago ang tunay na pinanggalingan

Jobert Sucaldito - March 29, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM FEMALE 0329

NAGULAT ako sa kuwento ng ilang mga kababayan natin somewhere in the north tungkol sa sikat na female singer na to this day ay hindi pa rin maaming nag-aral siya sa isang public school sa kanilang bayan.

Pinipilit nitong doon daw siya nag-aral sa isang private school for girls eh hindi naman pala totoo. Natatawa na lang kami sa mga one-liner ng mga kafatid natin sa nasabing municipality – kung anu-anong adjective ang ikinakabit sa sikat na female singer.

“Wala namang masama kung galing ka sa isang public school, di ba? Ang mahalaga ay kung ano ka ngayon, kung ano ang narating mo. Pinipilit niyang nag-aral siya sa St. Paul’s eh hindi naman talaga.

Bakit kailangang ipagpilitang galing ka sa ganitong eskuwelahan o ganoon siya eh hindi naman totoo.

“Ikinahihiya ba niya ang pagiging mahirap nila before? Diyos ko naman, kay sarap yatang pakinggan ang isang sikat na celebrity talking about his or her humble beginnings.

“The more pa nga siyang hahangaan ng marami should she admit na galing siya sa mahirap na eskuwelahan. Itong ibang mga artista kasi, punumpuno rin ng kaplastikan,” sabi ng isang kafatid nating nabubuwisit kay female singer.

The truth of the matter nga raw, hindi naman talaga tagaroon si female singer. Galing daw ang angkan nito sa kabisayaan na napadpad lang sa kanilang bayan. Hanggang sa dito na nga sila nagsilakihan, nagkaisip and all.

“Wala namang dagat sa bayan namin, di ba? Paano siya inilublob ng kaniyang tatay sa dagat para lalong gumaling kumanta kung dito siya sa amin lumaki.

“Mga maliit na palaisdaan lang naman meron ang bayan namin, hindi dagat, ‘no!” talak pa ng kausap natin with matching clues.

Ah okey. Whooohhhhhhhh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending