Michael ‘kinontrata’ ni Erap para paligayahin ang mga Manileño | Bandera

Michael ‘kinontrata’ ni Erap para paligayahin ang mga Manileño

Jobert Sucaldito - March 29, 2016 - 03:00 AM

MICHAEL PANGILINAN

MICHAEL PANGILINAN

NAKU, for 39 days makakasama ng mga tagahanga ni President/Mayor Joseph Estrada ang Bagong Kilabot Ng Mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan dahil twice a day siyang magpe-perform sa mga caucus and campaign sorties ng mahal nating alkalde ng Maynila.

Magsisimula na ngayon ang daily performance ni Michael sa kamaynilaan kasama si Boobsie Wonderland na magsisimula naman sa campaign this coming April 3.

Naka-commit kasi ang sikat na komedyana sa Bahrain until April 2 kaya pass muna siya.
Ako ang pinakanatuwa sa 39 days campaign na ito ni Michael sa Maynila, not because of anything, ang maganda kasi hindi na kailangang bumiyahe ni Michael out of town the whole campaign season. Less pagod at stress kumbaga para sa aming dalawa.

Natatakot kasi ako sa disgrasya lalo pa pag panahon ng kampanya. Napakaraming tumatawag para kunin ang serbisyo niya as a performer pero wala akong choice but to beg off dahil malalayo ang lugar nila.

Committed na kasi kami sa Manila pero kung malapit-lapit lang like Cavite, Bulacan or Laguna basta ba after 10 p.m. ay puwede naming masagutan. But farther than that mukhang malabo.

“Tsaka meron akong Himig Handog 2016, pag sa Manila lang ang events ko, mas madali akong makakatakbo sakaling kakailanganin kami sa ABS-CBN for Himig Handog.

“I just wish everyone (politicians) the best of luck, gustuhin ko mang mapagbigyan ang requests ninyo mukhang mahirap lang talagang isingit dahil diretso ako sa Maynila for 39 days.

“Maybe next time. Basta ang prayers ko lang, sana ang manalo sa eleksiyong ito ay the best of the bests.

The ones na talagang makakapagbago ng sistema sa bansa natin. First time voter kasi ako kaya alam ko na sa puso ko kung sino ang iboboto ko sa pang-national,” Michael affirms.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending