Basketball player maldito sa personal, nang-isnab ng fans | Bandera

Basketball player maldito sa personal, nang-isnab ng fans

Cristy Fermin - March 29, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM MALE 0329

ANG mundo ng basketball ay wala ring ipinagkaiba sa mundo ng mga artista. Kung may mga personalidad na nalulunod agad sa isang basong tubig ay may mga basketbolista ring mabilis maapektuhan ng popularidad at sigawan ng kanilang mga tagahanga.

At tulad ng showbiz ay wala ring puwedeng ipagmalaki ang mga basketball players, isang malaking lundag lang nila ay ospital agad ang kanilang bagsak, purnada agad ang kanilang career sa kawalan na ng kapasidad na makapagdribol at makapagpsyut.

Usap-usapan ang ipinakitang kamaldituhan kamakailan ng isang basketball player na impernes ay inaasahan naman ng kanyang team. Heartthrob nga kung ituring siya dahil bukod sa husay niyang maglaro ay guwapo pa siya.

Kuwento ng isang source, “Kasama niya nu’n ang mga kabarkada niya, kumain sila sa isang food chain, nakita siya ng mga kababayan nating mahilig sa basketball. Natural, may mga lumapit sa kanya para magpa-picture taking.

“Naloka ang mga nandu’n dahil instead na pagbigyan niya ang mga basketball fans, tiningnan lang niya ang mga bagets mula ulo hanggang paa, tapos, parang nakairap pa siyang nagpatuloy kumain.

“Basketball heartthrob, umiirap? Nakakaloka naman ‘yun, di ba? Okey lang sana kung nakiusap na lang siyang kakain muna, pero ang irapan pa ang mga lumapit sa kanya? Nakakalorkey ‘yun!” nakairap ding kuwento ng source.

Sobrang gutom lang kaya ang basketbolista kaya ganu’n ang inasal niya? Nalunod na nga kaya sa isang kutsarang tubig ang dribolero kaya nagmamaldito na siya?

Bradly Guevarra, pangaralan mo ang kilalang basketball player na ito, ha? Ayaw na ayaw ni Juliet ng ganyan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending