Ang kasalukuyang BF na ang makakatuluyan
Sulat mula kay Honey ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,
September 2, 1992 ang birthday ko at may boyfriend ako sa kasalukuyan na isinilang noong January 16, 1990. Itatanong ko lang kung compatible ba kami at kami na ba ang magkaklatuluyan? Naitanong ko ang bagay na ito sa dahilang sa kasalukuyan ay may nangyayari na sa amin, kahit hindi pa kami kasal. Kami na ba ang magkakatuluyan at kung sakaling kami ang magkakatuluyan, magiging maligaya at magiging pang habang buhay na kaya ang aming samahan?
Umaasa,
Honey ng Liloan, Metro Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Tanda na malaki ang pag-asa na kung sino ang unang totohanan at seryosong relasyon, na naranasan mo, yon na rin ang mapapangasawa at makakasama mo habang buhay.
Cartomancy:
King of Diamonds, Eight of Hearts, at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Kung mayaman o medyo may kaya sa buhay ang kasalukuyan mong boyfriend, tiyak ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.