TV5, Luchi pinuri sa PiliPinas Debates 2016 (2)
GINANAP ang second leg ng PiliPinas Debates 2016 noong nakaraang March 20 sa Performing Arts Hall ng University of the Philippines Cebu. Marami ang napahanga sa ipinatupad na format ng TV5 kung saan natunghayan ng mga Pilipino ang tunay na debate.
Dito ay nagbangaan ang mga opinyon ng mga kandidato sa mga iba’t ibang pambansa at personal na isyu. Matapang din nilang hinarap at sinagot ang mga katanungan mula sa mga panelista na sina ni Ed Lingao, Marichu Villanueva, Ana Marie Pamintuan, Lourd de Veyra, Ruphil Bañoc at Tony Abad.
Ang hepe ng News5 na si Luchi Cruz-Valdes ang tumayong moderator at umani rin ng papuri sa mga manonood at netizens. Ayon kay TV5 President and CEO Emmanuel C. Lorenzana, “As promised, the program provided Filipino voters and the general public, with a clearer picture of the aspirants for the highest position in the land.
It is important that the electorate should continue to be made aware of the key concerns and issues needed in making their decisions come Election Day and for the media to keep its vigilance for a fair and honest election that reflects the will of the people.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.