NAKAPAGISIP-ISIP na ang taumbayan na dapat mas piliin ang karanasan (experience) kesa katanyagan (popularity) kaya’t tabla na sa survey sina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rody Duterte.
Si Poe ay nakakuha ng 26 porsiyento sa Pulse Asia survey na kinomisiyon ng ABS-CBN, at si Duterte naman ay 25 porsiyento.
Sa margin of error na 1.5 percent sa nasabing survey, pantay na si Poe at Duterte.
Bumaba si Poe mula sa 28 porsiyento sa huling survey, samantalang tumaas si Duterte ng 1 porsiyento o mula sa 24 porsiyento noon.
Ang two percentage points na pagbaba ni Poe—from 28 percent to 26 percent—ay very significant dahil ginawa ang survey matapos inanunsyo ng Supreme Court na siya’ puwedeng tumakbo.
Dapat pa nga ay tumaas pa ang kanyang rating sa halip na bumaba dahil sa desisyon ng Korte Suprema na siya’y pinatatakbo.
Pero bakit bumaba ang kanyang rating at tumaas naman ang kay Naisip na kasi ng mamamayan na walang gagawing tama si Poe kapag siya’y naging Pangulo dahil sa kanyang pagiging bagets o walang experience sa pamumuno.
At naisip din ng mamamayan na si Duterte ang mas magaling sa dalawa pang kandidato na sina Vice President Jojo Binay at dating Interior Secretary Mar Roxas.
Si Binay ay tinuturing na kawatan dahil sa kaliwa’t kanan na mga kasong pangungulimbat sa kaban ng bayan na isinampa laban sa kanya bilang mayor ng Makati .
Bakit naman ibobotong Pangulo ang isang magnanakaw?
Si Roxas naman ay tinuturing na isang weakling o mahinang lider dahil sa kanyang ipinakitang mga kapalpakan sa Department of Interior and Local Government (DILG).
Sana raw ay bumitiw siya sa puwesto nang hindi siya isinali sa plano ni Pangulong Noynoy na lusubin ang Mamasapano, Maguindanao kung saan napatay ang 44 police commandos ng Special Action Force (SAF).
Ibig daw sabihin ay walang prinsipyo si Roxas. Kailangan sa Pangulo ay isang taong maprinsipyo.
Bakit nagugustuhan na ng taumbayan si Duterte na kulelat sa mga nakaraang survey?
Dahil sa kanyang pagiging prangka sa pananalita.
Karamihan sa mga taong prangka ay nagsasabi ng totoo at walang tinatago. Halimbawa, sinasabi ni Duterte na sa Davao City , sinasalvage ang mga pusakal na kriminal at mga nagtitinda ng droga.
Alam din ng mga mamamayan na napatunayan na ni Duterte ang kanyang kakayahan sa pamumuno dahil napatahimik niya ang Davao City na dating crime-ridden.
Ngayon, ang Davao City ay isa sa pinakaligtas na 10 lungsod sa buong mundo.
Dahil sa kanyang karanasan sa pagpapatakbo ng Davao City , pinaniniwalaan ng taumbayan si Duterte na buburahin niya ang krimen at droga within six months of his presidency.
Sa kabilang dako, walang maipakitang record si Poe na siya’y may kakayahan sa pamumuno.
Ang kanyang ipinagmamalaki ay ang kanyang ama na si Fernando Poe Jr. na isang batikang aktor; pero ano naman ang nagawa ni FPJ sa bayan?
Mas tataas pa ang rating ni Duterte sa mga susunod na survey dahil sa ipinakita niyang gilas sa huling presidential debate noong Linggo.
Kwela siya sa mga milyon-milyong nanood sa debate sa TV5 dahil sa kanyang sense of humor at pagiging matalino sa pagsagot at pagtanong.
Halimbawa, tinanong niya si Poe kung anong gagawin ng senadora kapag siya’y naging Pangulo at ginising siya dahil pinalubog ng China ang dalawang barko ng ating Coast Guard.
Ang sagot ng senadora ay siyempre babangon siya!
Ang tamang sagot sana ay ipupulong niya ang National Security Council.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.